UMAKYAT sa Mt. Ulap sina James Reid at Nadine Lustre sa gitna ng balitang break na sila. Kasama nila ang ilang kaibigan at isa sa kanila ang nag-post ng kanilang photo sa taas ng bundok. Ang Mt. Ulap ay nasa Itogon, Benguet at sa litrato, kitang masaya ang grupo na nakaakyat ng bundok.

JaDine kasama ng mga kaibigan

Kamakailan lang, habang mainit ang balitang hiwalay na ang dalawa, nakita sina James at Nadine sa UP Town Mall, nagsa-shopping at sabi ng eye witness, masaya sila at sweet. Malapit sa bahay nina James sa Loyola Grand Villas ang UP Town, kaya siguro ang nasabing mall ang kanilang pinuntahan.

Anyway, si Nadine pa lang ang nag-react sa break-up issue nila ni James dahil ang singer-actor ay nananatiling tahimik.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

-Nitz Miralles