KABABALIK lamang ni Kapuso multi-awardee comedian Michael V mula sa Christmas vacation nila ng family niya sa Florida, USA, nang ang sumalubong sa kanya ay ang balita mula sa GMA Entertainment TV na may gagawing live action adaptation ang GMA ng anime series na Voltes V Legacy.

Michael V Florida

Isang self-confessed Voltes V fan si Bitoy, kaya nag-share siya agad ng teaser ng anime series sa Twitter. “Veeery promising! Excited for this one, Let’s volt in!”

Sinang-ayunan naman ito ng mga followers ni Bitoy na looking forward na rin daw sila sa proyektong ito ng Kapuso Network. Bukod kasi sa super robot, ipinasilip din sa teaser ang Camp Big Falcon at ang leader ng mga kalaban na si Prince Zardoz. Lalong dumoble ang excitement ng mga fans ng anime series dahil sa popular at catchy na Japanese theme song nito na kasama sa teaser.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sa ngayon ay maingat pa ang may hawak ng proyekto at lihim na lihim pa kung sinu-sino ang bubuo sa malaking cast. Ididirek ito ni Mark Reyes na kilala sa mga ganitong uri ng proyekto, tulad nang idinirek niya ang serye ng Encantadia.

Wala pa ring exact date ng airing ang Voltes V Legacy ngayong 2020.

-Nora V. Calderon