AFTER fifteen years muling magkakasama ang mother and child na sina Amy Austria at Miguel Tanfelix. Katatapos pa lamang manalong First Prince ng StarStruck Kids si Miguel in 2004, na six years old pa lamang siya, nang isama siya sa GMA telefantasiya na Mulawin bilang si Pagaspas at nanay Lourdes niya si Amy.

Amy & Miguel MPK

Kaya masaya ang pagkikita at pagsasamang muli nina Amy at Miguel ngayong Sabado ng gabi sa isang nakakaantig-pusong Christmas story na handog sa mga Kapuso viewers ng award-winning drama anthology na Magpakailanman, hosted by Ms. Mel Tiangco, titled “Sana Ngayong Pasko.”

Gagampanan nina Amy at Miguel ang episode na tungkol sa isang lalaki na piniling lisanin ang kanyang pamilya para hanapin ang tunay niyang pagkatao na inalis sa kanya ng sariling ama. Matagpuan kaya niya ang hinahanap na ina?

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Masayang-masaya si Amy habang pinapanood sa mga eksena si Miguel sa taping nila, ang laki na raw ng ipinagbago sa pag-arte ng naging anak-anakan niya. At siyempre si Miguel hindi naman nagpatalo ng acting sa ina-inahan.

Makakasama nina Amy at Miguel sina Archie Adamos, Angela Evangelista, Raphael Landicho at StarStruck finalist Jeremy Sabido, sa direksyon ni Don Michael Perez. Mapapanood ang “Sana Ngayong Pasko” pagkatapos ng Daddy’s Gurl.

-NORA V. CALDERON