HINDI lang cash incentives, bagkus isang parangal – isang pagkilala sa kabayanihan – ang tinanggap ng atletang Pinoy na nagwagi ng medalya sa katatapos na 30th Southeast Asian Games.

MASAYANG nakipag-usap si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa mga miyembro ng Team Philippines, habang hinihintay ang Pangulong Duterte sa ginanap na awarding ceremony sa Malacanang. (PSC PHOTO)

MASAYANG nakipag-usap si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa mga miyembro ng Team Philippines, habang hinihintay ang Pangulong Duterte sa ginanap na awarding ceremony sa Malacanang. (PSC PHOTO)

Isinabit ni Pangulong Duterte ang “Order of Lapulapu” Award sa lahat ng 600 atleta na nagtulong-tulong para makamit ng Team Philippines ang overall championship sa nakalipas na biennial meet.

Pinangunahan ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman at Team Philippines Chef de Mission William “Butch” Ramirez ang buong koponan na sumugod sa Malacanang upang humarap kay Pangulong Duterte na ginanap sa Rizal Hall ng Palasyo.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Bukod sa cash incentives na nakatadhana sa batas Republic Act (RA) 10699, tumanggap ng dagdag na insentibo ang mga atleta mula sa Pangulong Duteret ba umabot sa kabuuang P79 milyon.

Dumalo din sa nasabing seremonya sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Philippine Olympic Committee (POC) President, Cong Bambol Tolentino, Philippine SEAG Organizing Committee Chairman (PHISGOC) at Speaker Alan Peter Cayetano, sina Commissioners Celia Kiram, Arnold Agustin at Charles Maxey gayundin ang mga presidente at secretary general ng mga national sports associations (NSAs).

“When we came in, the athletes received on P5000 meal allowance. Now on top of that they also get P25,000 worth of nutrition support monthly. Hopefully an Olympic gold soon,” pahayag ni Ramirez.

-Annie Abad