PINOST ni Ai-Ai delas Alas ang picture niya katabi ang sariling star sa Walk of Fame na makikita sa walkway ng annex ng GMA Network.

Ai Ai

“Good morning.... WALK OF FAME...unang una ang name ko hehehe...saya saya ko salamat GMA...salamat kapuso... i am proud to be a KAPUSO... more projects to come 2020...GOD BLESS US.”

Parang napalitan ng konti ang lungkot ni Ai-Ai sa pagkawala na ng Sunday Pinasaya sa pagbibigay sa kanya ng star sa Walk of Fame. Pero, siyempre, iba pa rin kung magkakasama sila ng kanyang mga ka-work sa SPS.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sa December 22, na ang last episode ng show at hindi na live dahil na-tape na nila in advance ang nasabing episode. Kaya sa video na pinost ni Ai-Ai sa Dec. 15 episode, kita ang kanilang pag-iiyakan.

Four years din magkakasama ang cast ng SPS, naging close sila at pamilya ang turingan, kaya hindi maiwasang makaramdam ng lungkot ang cast sa pagkawala ng Sunday show.

-NITZ MIRALLES