MAGUGUSTUHAN ng moviegoers, lalo na ng millennials o young adult audience, ang approach ng storytelling at concept ng Write About Love, isa sa walong official entries sa 2019 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25.

Miles, Joem, Direk Cris, Yeng at Rocco

Sinulat at idinirihe ni Crisanto B. Aquino, katulong niya sa pagbuo ng screenplay si Janyx Regalo, metafiction ang Write About Love. Sa metafiction, tahasang inilalabas ng kuwentista ang creative process lalo na ang mga artipisyal na teknik o devices na ginagamit sa pagbalangkas ng istorya. Sa metafiction nagkakaroon ng creative license ang author para lumayo sa makaluma o de-pormulang pagkukuwento.

Highly successful ang Write About Love na ipakita sa mga manonood ang creative process sa filmmaking. Tiyak na pakikinabangan nang husto ang pelikulang ito ng aspiring filmmakers.Pero hindi filmmaking manual ang Write About Love, na kumpleto ang mga elemento bilang love story o romantic comedy, with so many twists nga lang.

Tsika at Intriga

Payo ni Kabayang Noli sa aspiring journalists: ''Hindi dapat huli sa mga balita!'

Dahil hindi nga ito “mainstream-ish” kundi perpektong timpla ng “arts and commerce”.Madaling unawain kung bakit ito kinapitalan ng TBA Studios na kilala sa paggawa ng historical epics at medyo highbrow movies.

Nakuha ni Direk Cris ang kiliti ng kanyang producers sa kanyang highly creative storytelling.Bida si Miles Ocampo, sa kanyang pinakaunang malaking bida role, bilang aspiring scriptwriter na nakapagpasa ng kanyang screenplay sa isang production company. Siya na ang pinakamaligayang bagong scriptwriter, para lang madismaya sa ikalawang pagharap sa panel na sinabihan siyang kailangang baguhin ang script.

Binigyan din siya ng co-writer, ginagampanan ni Rocco Nacino, na kagagaling lang sa big blockbuster movie na sinulat nito.

Tulad ng kalakaran sa industriya, kinalas-kalas ng senior writer ang script ng newcomer, nabasura ang malaking parte dahil sa bandang gitna na ng istorya nagsimula ang kuwento.Sa proseso ng pagsusulat nagkakilala ang writing partners, at na-reveal sa isa’t isa na ang traits ng characters na kanilang binubuo ay bahagi ng kanilang tunay na pagkatao.Enter Yeng Constantino and Joem Bascon bilang bida sa kanilang binubuong script. So, sa loob ng pelikula ay may isa pang pelikula. Big bonus sa mga manonood, kung baga, dahil sa isang ticket na binayaran, dalawang pelikula pala ang mapapanood nila.

Tiyak na maa-appreciate ng viewers ang matalinong pagkakasulat sa istorya pati na ang suwabeng pagpasok ng music. Muling nanamnamin ng mga batang ‘90s ang hit ni Jolina Magdangal na Kapag Ako ay Nagmahal na binigyan ni Yeng ng bagong flavor.Bokalista ng banda ang role ni Yeng, na kung kailan naman bumukas ang malaking pagkakataong hinihintay ay saka naman pinapamili ng boyfriend ng love or career.

Halatang labor of love ang Write About Love, tulad ng lahat na creative output ng sinumang may pagmamahal sa kanilang craft. Mararamdaman ng viewers ang sincerity na ito sa pelikula. Sa katunayan, diretsahang binanggit sa pelikula ang “sincerity comes from the heart”.

Isa lang ito sa napakaraming iba pang mapupulot na nuggets of wisdom sa Write About Love.Bukod sa playful pero sincere na storytelling at music na pinamahalaan ni Jerrold Tarog, magugustuhan din ng moviegoers ang cinematography ni Neil Daza. Poetic ang mga kuha niya, lalo na sa Sagada.Highlight ng pelikula ang mga eksena sa Sagada, pero tila trick ito ng direktor.

Dahil sa highlight pa lang na ito magsisimula ang mas malalaking twist sa istorya.Bihira kaming magrekomenda ng pelikula, pero highly recommended namin ang Write About Love.

Reminder lang, date movie ito, isama ang kasintahan o parents.Yes, hindi lang romantic love ang tinatalakay sa pelikula kundi iba’t ibang uri ng pagmamahal -- higit sa lahat sa mga magulang.

-DINDO M. BALARES