NAPAGWAGIHAN na ang 30th Southeast Asian Games, ngunit hindi pa tapos ang laban ng atletang Pinoy.

Ayon kay eight-division world boxing champion Sen. Manny Pacquiao, kailangan ng atletang Pinoy ang panalangin at ibayong suporta upang makamtan ang pinakamalaking mithiin sa kanilang career—ang Olympic gold.

Hiniling ni Pacquiao sa sambayanan ang pagkakaisa upang mas maraming Pinoy ang makapasok sa Olympics at mabigyan ng pagkakataon na mapagwagihan ang pinakamimithing gintong medalya sa 2020 Tokyo Olympics.

Ikinalugod ni Pacquiao ang determinasyon ng Atletang Pinoy na siyang naging susi para mahakot ng Team Philipoines ang 149 gintong medalya sa katatapos na Sea Games.

“Kailangan nating magkaisa dahil kita naman sa mga atleta natin na talagang nagsisikap sila sa training para makuha ‘yung ultimate goal natin sa Olympics. Kailangan natin silang suportahan para mas lalo silang ganahan,” pahayag ng Senador.

Legal team ni VP Sara, sisipot sa nakaambang 'Senate impeachment trial!'

Sa kasalukuyan, tanghing sina pole vaulter EJ Obiena at gymnast Carlo Yulo ay pasok na sa Tokyo Games, habang nagbabanta at kailangan na lamang ng karagdagang puntos para magkwalipika sina skateboarder Margilyn Didal, weightlifter Hidilyn Diaz, boxers Nesty Petecio at Eumir Marchial.

“Mas maraming atleta sa Olympics, as maganda sa Team Philippines,” sambit ni Pacquiao, nakiisa sa SEAG nang samaha si Petecio sa pagsindi ng cauldron sa New Clark City.

“Sa Olympics, talagang paghihirapan natin iyan na maka-gold. Pero iba ang atletang Pilipino, palaban ta¬laga. Hindi sumusuko at naniniwala ako sa kakayahan nila,” aniya.

Malaki rin ang tsansa ng Pinoy sa taekwondo, swimming, judo, karate at athletics.