NAMAYANI si Woman International Master (WIM) Jan Jodilyn Fronda via tiebreak para magreyna sa first Woman Fide Master Sheerie Joy Lomibao-Beltran Women’s Open chess championship nitong Linggo sa Open Kitchen food hall (tapat ng UNILAB), Rockwell Business Center, Sheridan, Greenfields District sa Mandaluyong City.

TINANGGAP ni Jan Jodily Fronda (kanan) ang premyo mula kay Mimi Casas matapos makamit ang kampeonato sa Open Kitchen

TINANGGAP ni Jan Jodily Fronda (kanan) ang premyo mula kay Mimi Casas matapos makamit ang kampeonato sa Open Kitchen

Nakisalo si Fronda sa first-second places kay Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna na may tig 6.0 points sa rapid event punong abala sina China Aurelio at Mimi Casas ng Open Kitchen na suportado ni Woman Fide Master Sheerie Joy Lomibao-Beltran sa pakikipagtulungan nina Dr. Alfred Paez, Joel Pineda, Ryan Lopez Sauz at Byron Gabrentina Villar.

Dahil sa mas mataas ang tiebreak points para masikwat ni Fronda ang titulo habang nagkasya si Frayna sa second.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tinanggap ni Fronda angP10,000 top purse plus trophy at Michael Kors watch habang naibulsa ni Frayna ang P6,000 plus trophy.

Tumapos naman si Woman International Master (WIM) Bernadette Galas ng 3rd place na may 5.5 points para maiuwi ang P4,000 plus trophy na sinundan naman ni 4th placer Woman National Master (WNM) Francois Marie Magpily na may 5.0 points para sa P3,000 plus trophy at 5th placer Jamaica Marie Lagrio na may 5.0 points din para sa P2,000 plus trophy.

Ang mga nakapasok sa top 20 winners ay sina Brena Mae Membrere (6th); Rida Jane Young (7th); WIM Catherine Perena-Secopito (8th); WFM Cherry Ann Mejia (9th); Alexis Anne Osena (10th); Manilyn Cabungcag (11th); Rinoa Mariel Sadey (12th); Krezyl Jane Ibanez (13th); Justnin Macapuno (14th); Angel Mae Orijuela (15th); Shaira Mae Aquno (16th); Stella Theresa Aquino (17th); Vanezza Fe Villamil (18th); Merlene Membrere (19th) at Eula Djemarie Dela Cruz (20th).