AMINADO si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez, na ang tagumpay na nakamit ng bansa buhat sa katatapos na 30th Southeast Asian Games, ay hindi naisagawa ng isang gabi lamang.

Inabot ng dalawang taon ang preparasyon ng bansa para maisakatuparan ang milagrong asam na overall championship, na nakamit ng bansa noong 2005 SEA Games hosting.

“The program began immediately after the 2017 SEA Games in Kuala Lumpur where we finished miserably at sixth place with only 24 gold medals to show. The Philippines didn’t improve on finishing sixth in Singapore, and worse, there were four more golds in those 2015 Games,” pahayag ni Ramirez sa harap ng mga atletang naiisa sa closing ceremonies noong Miyerkules ng gabi na ginanap sa New Clark City Pampanga.

Markado sa kasaysayan ang pagmamaneobra ni Ramirez bilang Chef de Mission ng Team Philippines, kung saan dalawang magkasunod na hosting ng bansa ay nagawa naisaakatuparan ang kampeonato para sa Pilipinas.

Ngunit ayon kay Ramirez , hindi umano mahalaga kung sinuman ang umupong Chef de Mission, ngunit siya bilang PSC chairman ay sisikpain pa rin na maibigay ang lahat ng pangangailangan ng ga atletang Pilipino para sa matagumpay na kampanya.

Brandon Clarke ng Memphis, pumanaw sa edad na 29!

“But regardless of whether I am chef de mission or not, my mandate as PSC chairman is to make sure that our athletes are well taken care of—from their nutrition to billeting to the most important ingredient of all—training, preparation and foreign exposure,” aniya.

Binuho ng PSC ang lahat ng kanilang lakas upang mabigyan ng lubos na suporta ang mga atleta sa dalawang taon ng paghahanda para sa hosting ng biennial meet, kung saan gumastos ang nasabing ahensiya ng mahigit sa 2.1 bilyong piso, kabilang na ang preparasyon para sa training at paglaahok sa mga international competition.

Kabuuang 1,400 miyembro ng national pool sa bawat 56 national sports associations ang kabilang sa nasabing programa ng ahensiya.

“Each and every athlete’s preparation was meticulously provided for by the PSC. We in the agency knew that becoming overall champion is not achieved overnight,” ayon pa sa PSC chief.

“Sports are now entirely scientific. Luck no longer part of the formula for winning—it’s about ‘chance favoring the prepared mind and body,” ani Ramirez.

-Annie Abad