KASAYSAYAN ang naitala ng Philippine Team Gilas basketball sa 30th Southeast Asian Games.

KASAYSAYAN sa SEA Games ang tagumpay ng Philippine basketball team Gilas. (RIO DELUVIO)

KASAYSAYAN sa SEA Games ang tagumpay ng Philippine basketball team Gilas. (RIO DELUVIO)

basket2

Tulad ng inaasahan, winalis ng men’s basketball team ang mga karibal, tampok ang 115-81 panalo sa Thailand para masungkit ang record 13 sunod na gold medal sa biennial meet, habang nakamit ng women’s squad ang kauna-unahang titulo para tampukan ang pagsasaya ng sambayanan sa matagumpay na overall championship sa regional sports spectacle.

Walang patid ang hiyawan ng mga tagahanga sa MOA Arena nang angkinin ang Gilas women’s team ang korona sa impresibong 91-71 panalo laban sa Thailand para simulan ang dominasyon sa sports na pinakamalapit sa puso ng Pinoy.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

“Masaya, mataas ang expectation sa atin at talagang nagpursige kami,” pahayag ni Junemar Fajardo.

Dehado ang Pinay cagers laban sa kapwa walang talong Thais, higit at hindi pa nakakatikim ng kampeonato ang host team. Naging madali sa Pinay na maitaktak ang pressure sa pagdagsa ng crowd na sumuporta mula simula hanggang sa final buzzer.

“I’m just so happy for the girls, for what they achieved. Now, we hope na mapansin niyo na kami,” pahayag ni head coach Pat Aquino.

Sa kabila ng matagumpay na kampanya ng women’s basketball sa abroad, tila nababalewala ito sa mata ng sambayanan sa nakalipas na mga taon.

Si Aquino rin ang gumabay sa Gilas women’s team tungo sa kampeonato sa naunang 3x3 basketball event.

“It’s been a long time, we’ve been doing this since 2015, and now the gold is with us, and I’m just so happy. Not happy for the girls only but for the whole country and the women’s side,” pahayag ni Aquino.

Nanguna sa Filipinas sina Janine Pontejos at Jack Animam sa naiskor na 16 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

-Marivic Awitan

Iskor:

(Women’s)

PHILIPPINES (91) -- Animam 21, Pontejos 16, Hayes 11, Castillo 11, Bernardino 10, Cabinbin 7, Jose 6, Nabalan 5, Prado 2, Castro 2, Tongco 0, Chan 0.

THAILAND (71) -- Bias 15, Kunchuan 12, Udomsuk 12, Yothanan 10, Kaichaiyapoom 5, Maihom 4, Supyen 3, Buapa 3, Klunbut 2, Phromrat 2, Sangmanee 0.

Quarters: 27-20, 45-43, 68-52, 91-71.

(Men’s)

PHILIPPINES (115) -- Fajardo 17, Tenorio 16, Standhardinger 16, Wright 14, Manuel 14, Pringle 13, Ravena 10, Ross 8, Lassiter 3, Aguilar 2, Rosario 2, Slaughter 0.

THAILAND (81) -- Lamb 33, Jakrawan 15, Suttisin 7, Leelapipatikul 7, Chanthacon 6, Jaisanuk 6, Muangboon 3, Chungyampin 2, Klahan 1, Langsui 1, Ananti 0, Apiromvilaichai 0.

Quarters: 25-17, 48-39, 88-54, 115-81.