Magtatambalsa pelikula sina Coco Martin at Angelica Panganiban. Ginanap ang storycon ng pelikulang Love or Money to be directed by Mae Cruz-Alviar nitong Martes. Ang Star Cinema at ABS-CBN Films ang producer nito na mukhang sisimulan agad ang shooting dahil sa February 2020 na ang playdate.

angelica at coco - nitzz

Excited ang netizens sa unang pagsasama sa pelikula nina Coco at Angelica at may humula na nga sa story at concept ng Love or Money. May nagsabi naman na kahit ano pa ang concept ng movie, panonoorin nila dahil minsan lang itong mangyari.

Marami ang nag-congratulate kay Angelica sa bago niyang pelikula, kasunod ng Unbreakable nila ni Bea Alonzo at Richard Gutierrez na showing pa rin hanggang ngayon at si direk Mae rin ang director.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Napanood namin ang video sa storycon at makikitang nakangiti sa buong storycon sina Coco, Angelica at direk Mae at ang iba pang involved sa production ng Love or Money.

-Nitz Miralles