SUBIC, Zambales – Hindi nagpakabog ang Philippine men’s shooting team at nagawang makasabit sa ratsada ng Team Philippines sa huling araw ng kompetisyon sa 30th Southeast Asian Games.

Nasungkit nina Eric Ang, Carlos Carag at Alexander Topacio ang gintong medalya sa me’s team trap event matapos gapiin ang Malaysian squad, 2-1. Tangan ng Pinoy shotgun shooters ang kabuuangh 338 puntos.
Bumandera naman sa panig ng Malaysia sina Bernard Yeoh, Ong Chee at Chen Foo para sa silver medal matapos ang kabuuang puntos ng 330.
Habang sina Savate Stresthporn , Yodchai Phachonyut at si Kornthawat Thadtongcam ng Thailand ay tumapos naman ng bronze sa kanilang 321 puntos.
-Annie Abad