‘Keep it clean’.

SINAGOT ni two-time Olympic champion Edwin Moses ang mga tanong ng media bago simulan ang SPIA Asia Awards nitong Lunes sa Grand Hyatt sa BGC, Taguig.

SINAGOT ni two-time Olympic champion Edwin Moses ang mga tanong ng media bago simulan ang SPIA Asia Awards nitong Lunes sa Grand Hyatt sa BGC, Taguig.

Ito ang payak na payo ni two-time Olympic champion Edwin Moses para sa mga atleta, higit sa mga Pinoy na nahuhumaling sa iba’t ibang ‘supplement’ at ‘energy drink’ na kalauna’y nagdudulot ng masamang epekto sa katawan.

“Be natural and train hard, focus on your goal. Over the counter, you can buy food supplement and energy drinks pretending that it will boost your energy, that’s wrong. There’s no substitute on natural foods,” pahayag ng American sports icon na kasalukuyan ngayong Education Chairman ng World Anti-Doping Agency (WADA) sa media briefing sa pagsisimula ng SPIA Asia (Asia’s Sports Industry Awards & Conference nitong Lunes sa Grand Hyatt Hotel sa BGC, Taguig.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Ayon sa founder ng Laureus ‘Sports for Good’ bilang isang atleta kailangan mong maging mapanuri at pag-aralan ang nilalaman ng mga nabibiling ‘food supplement’ dahil karamihan dito’y naglalaman ng mga substances na kabilang sa ipinagbabawal ng WADA.

Matatandaang nasuspinde ng ilang buwan si basketball star Kiefer Ravena matapos magpositibo sa ipinagbabawal na substance ng WADA ang naisumite niyang ‘urine sample’ sa FIBA basketball. Aniya, nakuha niya ito sa mga ininom ng ‘energy drink’.

Binawian naman ng gintong medalya ang isang Pinoy taekwondo jin nang makitaan ng ipinagbabawal na gamot ang kanyang ‘samples’ noong 2005 SEA Games. Napag-laman na ang ininom na ‘slimming tea’ ang dahilan nang kanyang pagpositibo.

“We have to be careful. Educate ourselves. All restricted drugs are included in WADA website. Be responsible enough or your career will be over,” sambit ni Moses.

Sinamantala na rin ng mga local sports at tourism officials na ipromote ang bansa bilang isang ‘sports tourism destination’.

Ayon kay Arnold Gonzales, Deputy Chief Operating Officer ng TBP Philippines, ang mayamang karagatan ng bansa ay tugma sa pangangailan sa mga water sports tulad ng sailing, open water swimming, kayaking, wakeboarding at surfing.

“World class ang ating mga beach resorts at sports facilities. Ito na nga pong iba ay ginaggamit na sa kasalukuyang SEA Games,” pahayag ni Gonzales.

Iginiit naman nina Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Bambol Tolentino at PHISGOC Executive Ramon Suzara na ang mga ipinatayong venues para sa SEA Games tulad ng New Clark City ay magagamit bilang training venues ng mga atletang Pinoy, gayundin ng mga nagsasanay na foreign athletes.

-Edwin Rollon