Clark ,Pampanga -- Ang wakasan ang apat na taong pagdarahop para sa gintong medalya ang siyang susubukin ngayong araw na ito ng mga pinaghalong tropa ng mga beterano at mga kabataang Archers para sa kampanya ng Pilipina sa pag-usad ng ikalimang araw ng kompetiosyon sa 30th Southeast Asian Games na gagawin sa Clark Parade Grounds dito.

Sasabak sa mga events na recurve at compound ang mga pambato ng Pilipinas na sina 2014 Asian Games bronze medalist Paul Marton dela Cruz kasama si 2014 Youth Olympic Games gold medalist na si Gabriel Moreno at ang Olympian na si Jennifer Chan.

Pangungunahan ni Dela Cruz ang koponan ng men’s compound katuwang sina Johan Olano, Roberto Badiola at Arnold Rojas, habang ang tropa ng men’s recurve ay pangungunahan nina Moreno, Florante Matan, Jayson Feliciano at Carson Hastie.

Ang Olypian na si Chan, na ngayon ay 54-anyos na at 3- time SEA Games gold medalist ay mangunguna para sa women’s compound kasama sina Andrea Robles, Rachelle Ann dela Cruz, at Abbigail Tinugduan habang ang magmamaneobra para sa women’s recurve ay sina Kareel Hongitan, Pia Bidaure, Phoebe Amostoso at Gabrielle Monica Bidaure.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Huling nakatikim ng gintong medalya ang mga Filipino archers buhat sa men’s compound team na binubuo nina Earl Benjamin Yap, Ian Patrick Chipeco at Delfin Anthony Adrian sa nakaraang 2013 SEA Games sa Myanmar.

Nakasungkit ng silver medal ang koponan nooong nakaraang 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur na may kasamang apat na bronze medals.

Si Nicole Marie Tagle ang siyang nagbigay ng silver sa women’s individual recurve, habang ang apat na bronze naman ay nagmula kina Dela Cruz buhat sa men’s individual compound, ang koponan nina Joseph Vicencio kasama sina Yap at Dela Cruz sa men’s team compound at sina Moreno, Matan at Mark Javier sa men’s team recurve, at ang koponan nina Mary Queen Ybanez, Tagle at Hongitan buhat sa women’s team recurve.

-Annie Abad