MATAGUMPAY na naidepensa ni Grandmaster Rogelio “Banjo” Barcenilla Jr. ang Phoenix Open chess title sa ika-7 sunod na taon.

Maganda ang kundisyon ng Arizona, US based Filipino GM matapos niyang walisin lahat niyang nakalaban tungo sa perfect 6.0 points sa 2 day tournament na ginanap sa Unity Chess Club sa Mesa, Arizona, USA nitong weekend.

Ang Iloilo born Barcenilla, two-time (1989 and 1990) Asian Junior champion sa India at Dubai at 1991 Bronze medalist sa World Juniors championship sa Romania ay giniba sina Atharva Bist, Gregory Bryson, Jonathan Martinez, Chang Xu, Dagadu Gaikwad at Aram Varahram, ayon sa pagkakasunod.

Ang ipinagmamalaki ng Barangay Malamig, Mandaluyong City na si Barcenilla na tubong Cebu at Iligan City ay sariwa pa sa kampeonato ng 2019 Philippines National Chess Championship na tinampukang Battle of the Grandmasters na ginanap sa Philippine Academy for Chess Excellence (PACE), 2nd floor, No. 56 Mindanao Avenue, Project 6 sa Quezon City nitong Nobyembre 26.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

ito din ang dahilan para makopo ni Barcenilla ang one of the two slots sa top 2 winners na kakatawan sa bansa sa 2020 World Chess Olympiad sa Moscow, Russia bilang miyembro ng Philippine National Chess Team (Open/Men).

“Grandmaster Rogelio Barcenilla fresh from crowning himself the 2019 Philippine National Chess Champion 4 days ago won the Phoenix Open Chess Tournament today for the 7th straight year! He scored 6/6 in the 2 day tournament . Phoenix Open organized by FM Pedram Atoufi owner of Unity Chess Club.” sabi ni 1994 Moscow Chess Olympiad member Woman National Master (WNM) Lilibeth Barcenilla, maybahay ni GM Banjo.