NAGSISIMULA pa lang tayo.
Ito ang kumpiyansang pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez hinggil sa ratsadang kampanya ng Team Philippines sa unang araw ng kompetisyon sa 30th Southeast Asiuan Games.
“We almost match thr 27 gold medal won by Team Philippines in 2017 SEA Games. Unang araw pa lang inspired na ating mga atleta and 25 gold medal in the first day of action is a good start,” pahayag ni Ramirez.
At tila walang dahilan para tumigil sa pagbibilang ng gintong medalya ang sambayanan.
Matapos ang nakamit na limang ginto nitong Linggo, hataw muli ang arnis sa napagwagiang tatlong ginto mula kina Elmer Manlapas sa full contact padded at Jesfer Huguire sa bantamweight.
Posible pa itong madagdagan sa pagpasok sa semifinals sa women’s division nina Sheena Del Monte (bantam), Jedah Soriano (feather), Ashley Monville (lightweight) at Abegal Abad (welter).
Sa kasalukuyan, tangan ng Team Philippines ang liderato na may 29- 17-9(gold-silver-bronze). Malayong nakabuntot ang Vietnam (10-17-13) at Indonesia (6-8-7),
“Hindi ba sinabi ko sa inyo sa first day pa lang mahina na ang 29 sa atin. Our athletes at readt and inspired with what the support of no less than President Duterte,” pahayag ni Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Bambol Tolentino.
Nakisama sa tagumpay Lunes ng umaga ang cycling (mountainbike) sa nakamit na dalawang ginto, kasunod ang tig isa ng duathlon at pencak silat.
Winalis nina John Derrick Farr at Lea Denise Belgira ang downhill event sa Laurel, Batangas.
Naitasa ng 23-anyos na si Farr sa 2 minuto at 41.43 segundo sa 1.5- km distance, habang sumegunda ang kababayan na si Eleazar Barba,at Indonesia’s Andu
Prayoga (2:47.68).
Ginapi naman ni Belgira sa tyempong 3:09.78 sina Indonesians Tiara Prastika (3:16.98) ay Vipavee Deekaballes (3:17.60),
Nadugtungan naman ni Monica Torres ang kasiyahan sa Subic nang pagbidahan ang women duathlon sa tyempong dalawang oras, walong minuto at 44 segundo sa layong 10- kilometer run, 40-km bike,
“I wasn’t feeling well and it was difficult for me because I threw up and that’s the reason why I ran out of gas,” sambit ni Torres.
“It must have been something I ate but the support from the people wasstrong and I just could not let them down,” aniya.
Umiskor din ang Pencak silat, usang Indonesian martial art, nang magwagi si Edmar Tacuel sa male tunggal event.
-Edwin Rollon