KASALUKUYANG nasa Los Angeles, California USA si Arjo Atayde para magbakasyon ng sampung araw kaya hindi niya personal na natanggap ang 37th Luna Awards bilang Best Supporting Actor sa pelikulang Buy Bust na ipinalabas noong 2018 mula sa Viva Films na idinirihe ni Erik Matti.

arjo

Sinamantala ni Arjo ang ilang araw niyang walang tapings at shootings kaya lumipad patungong Amerika para i-meet na rin ang kanilang mga kaanak at ka-negosyo ng magulang.

Ang Publicist ng Star Magic na si Thess Gubi ang tumanggap ng tropeo ng aktor at pinasalamatan nito ang lahat ng bumubuo ng Luna Awards sa pagkakahirang kay Arjo bilang best supporting actor.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa hanay ng mga nominado sa Luna Awards 2019 ay tinalo ni Arjo ang mga batikang aktor na sina Soliman Cruz (Liway), Carlo Aquino (Goyo: Ang Batang Heneral), Mon Confiado (Signal Rock) at Epy Quizon (Goyo: Ang Batang Heneral).

Punumpuno ng blessings ang taong 2019 kay Arjo dahil bukod sa Luna Awards ay hinirang din siyang Best Drama Supporting Actor sa nakaraang 33rd PMPC Star Awards for TV para sa teleseryeng The General’s Daughter. Taong 2016 nu’ng huling manalo si Arjo sa parehong kategorya para naman sa FPJ’s Ang Probinsyano na apat

taon ng umeere ngayon.

Samantala, bukod sa dalawang awards ngayong 2019 ay ngayong taon din umere ang unang digital series ni Arjo sa iWant na Bagman season 1 at 2 handog ng Dreamscape Digital Entertainment at Rein Entertainment.

Pawang positibo ang lahat ng reviews na natanggap ng aktor mahusay niyang pagganap bilang si Benjo Malaya na barbero sa season 1 at gobernador sa season 2.

Marahil kung isasama ang iWant series at movies sa PMPC Star Awards ay nakatitiyak kaming masusungkit ni Arjo ang Best Actor award.

Anyway, napanood na naming ang 2nd drop, episodes 5 and 6 ng Bagman 2 sa iWant nitong Sabado ng gabi at nakakabitin naman dahil kung kailan nag-iinit na ang mga karakter nina Carlo Aquino, Romnick Sarmenta, Rosanna Roces at Arjo ay saka naman pinutol at aabangan ang episodes 7 at 8.

Maraming pupuntahan ang kuwento ng Bagman kaya nakasisiguro na kami sa season 3 dahil ang daming nag-aabang nito at ito ang pinakamalakas na series ngyon sa iWant.

-Reggee Bonoan