TOTOO talaga ang kasabihang ‘first love never dies?’

Kaya namin ito nasabi ay dahil muling nagkabalikan ang dating aktor at dating aktres na pawang sikat noong kabataan nila.

Tsika ng aming source, “si (dating aktres) ang first love at first girlfriend ni (dating aktor) tapos nagkahiwalay sila. Naging boyfriend ni girl ‘yung kaibigan naman ni boy, so kung baka pinatos ang barkada.

“Actually grupo sila na sikat noon tapos si (dating aktres) nakasama nila sa movie at naging pantasya ng bayan.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

“Then nagkahiwalay na sila kasi si (dating aktres) nagpunta ng Amerika hanggang sa doon na pala nag-asawa at may mga anak na.

“Si (dating aktor) nag-asawa rin pero nahiwalay naman kasi hindi sila magkasundo nu’ng asawa. May mga naging girlfriend si boy, pero hindi naman tumatagal siguro may ibang hinahanap.

“Hanggang sa nagkaroon ng komunikasyon sina (dating aktor) at (dating aktres) at nagkabalikan, pumunta ng Amerika si boy at nagkita sila hanggang sa alam mo na.

“Tapos bumalik na ng Pilipinas si (dating aktor) at naiwan si (dating aktres) kasi marami siyang aasikasuhin pang papeles. Nagkabalikan na ‘yung dalawa at masaya sila ngayon.”

Tinanong namin kung anong nangyari sa asawa’t mga anak ni (dating aktres).

“E, mukhang magulo naman silang mag-asawa na kasi gustong makipaghiwalay na ni (dating aktres). ‘Yan ang inaabangan dito sa ‘Pinas kung anong next na kabanata, talk of the town ang isyu, hindi mo alam?”

Sinagot namin ng hindi kasi parehong hindi naman na sikat ang mga artistang ito. Siguro pag pinangalanan na sila at umamin na, e, tiyak na sisikat ulit sila sa kanilang mga pagbabalikan.

-REGGEE BONOAN