KAHIT iniinda pa ni Aiko Melendez ang sakit sa kanyang kanang kamay na namamaga at naka-cast pa, wala siyang magawa kundi ang mag-report na sa taping ng GMA Afternoon Prime na Prima Donnas.

Aiko Melendez PD 082819

Naka-cast kasi ang right hand niya hanggang sa braso. Nadurog ang kanyang fourth finger habang nagbo-boxing. Nagkamali raw kasi siya ng pagbabalot ng kamay niya at tumagos ito sa boxing gloves niya. Hindi lamang alam ni Aiko kung magagawan ito ng paraan sa script na bigla siyang nagkaroon ng cast sa eksena. Sa story kasi ng “Prima Donnas” ay matapang si Aiko as Kendra at siya ang gumagawa ng kasamaan sa tatlong Donnas, sina Mayi (Jillian Ward), Ella (Althea Ablan) at Len Len (Sofia Pablo), mga gumaganap na triplets ni Jaime (Wendell Ramos) at hindi siya nagpapaapi.

Sa ngayon ay hawak niya at ng mga tao niyang inutusan ang triplets at hindi pa niya alam kung ano ang gagawin niya sa mga ito. Basta ang gusto niya, hindi makalapit ang tatlo kay Jaime. Pero si Jaime, pinaghahanap ang nawawalang triplets kaya worried si Kendra.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Ang “Prima Donnas” ay napapanood araw-araw pagkatapos ng Magkaagaw.

-Nora V. Calderon