OPTIMISTIKO si Sepak Takraw president Karen Caballero na makakakuha ng unang gintong medalya ang kanyang koponan sa pagsabak nito ngayon sa 30th Southeast Asian Games (SEAG).

Ayon kay Caballero na may pagkakataon ang naim na SEA nation, na maglagay atleta sa tatlo ng walong events dalawa sa men’s at isa women’s division maliban sa Pilipinas.

Ang Pilipinas, bilang host country kung saan ang koponan ay binubuo ng mga baguhan at beteranong manlalaro, ay may pribilehiyong maglagay ng atleta sa lahat ng anim na regu at hoops events.

Kabilang sa mga beteranong sasabak para sa koponan ay sina Jason Huerta, Reyjay Ortuste, Mark Joseph Gonzales, Josefina Maat, Des Oltor, Ronsted Cabayeron at Sara Catain.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Target ng koponan ang dalawa hanggang tatlong gintong medalya, ayon kay Caballero, partikular na sa men’s hoop doubles at sa women’s hoops.

Sisikapin ng Philippine Sepak Takraw team na makasikwat ng panalo kontra sa Thailand, Malaysia, Vietnam at Myanmar na kabilang sa mga kinokonsiderang alalakas na kalaban para sa nasabing biennial meet.

Magaganap ang kompetisyon para sa Sepak Takraw SEAG sa darating na Disyembre 1 hanggang 8 sa Subic.

-Annie Abad