NGAYONG araw, Huwebes nakatakdang operahan ang dalawang daliri sa kanang kamay ni Aiko Melendez ni Dr. Vicente Gomez sa Cardinal Santos sanhi ng pagkakabali nito dahil sa boksing base sa pinost niyang FB live nitong Martes nang gabi.

AIKO

Nagpa-praktis daw ng boksing ang aktres gamit ang punching bag nitong Lunes ng namali ang suntok niya.

Pero Martes nang tanghali ay nagawa pa ni Aiko na dumalo sa presscon cum contract signing ng bago niyang ini-endorsong produkto na Theobrama mula sa F2N Fortune Marketing.

Tsika at Intriga

Boy Abunda, 'agree' sa reaksyon ng publiko tungkol sa 'concert issue' ni Julie Anne

Sa nasabing presscon ay inamin ng aktres na ito ang dahilan kung bakit siya pumayat at dahilan kung bakit naging normal na ang blood pressure niya na rati’y 150/100 kaya madalas siyang itakbo sa hospital. Ngayon ay nasa 110/70 na lang.

Kuwento ni Aiko, “Ang Theobroma ang ingredients niya has cacao which helps you sa metabolism mo, so it really helps you lose weight, ‘yung metabolism mo and then ‘yung blood flow mo and toxins mo.

“When that happens, lahat ng ano sa health mo, matutulungan talaga ng Theobroma and I started taking it March (2019).”

Nabanggit din ng ilang staff ng F2N Marketing na nakikita nila ang pangalan ni Aiko sa order slip at hindi sila naniniwala akala raw nila ay fake news.

Nabanggit ng aktres na hindi pa niya kilala ang mga taga F2N at nalaman lang niya ang produkto sa kaibigan niya na laging pino-post sa Facebook na mahusay daw magpababa ng blood pressure para sa may mga hypertension.

“Kaya nagtanong ako kung saan nabibili tapos bumili nga ako ng isang set at tin-ry ko, effective naman kaya naka-dalawang set ako kasi okay sa akin, without me knowing na heto kukunin pala nila akong ambassadress, nakakatuwa.

“At talagang sinabi ko na bumili ako walang discount, ngayon may supply na ako, ha, ha, ha at puwede ko na itong i-share sa lahat na i-try nila ang Theobrama kasi effective talaga in 3 days lang. Nakaka-energize pa,” sabi pa ng aktres.

Bagay din daw ito sa mga taong laging stress sa work at kulang sa tulog dahil nakakabalik nga ng energy at pinatunayan din ito ng manager ni Aiko na si Arnold L. Vegafria.

Samantala, pagkatapos ng presscon ay natanong si Aiko tungkol sa ex-husband niyang si Jomari Yllana na inabandona nito ang dalawang anak at live-in partner na si Joy Reyes.

Lumabas sa PEP ang panayam kay Joy na iniwan sila ni Jom at hindi maibigay ang tamang sustento para sa dalawa nilang anak ng dating aktor na konsehal na ngayon ng Paranaque City.

Say ni Aiko, “Kasi ako, actually, nabasa ko sa PEP. Bilang may karelasyon ako ngayon, si Vice Governor Jay Khonghun, gusto ko ‘yung ibigay na ‘yung respeto na ‘yun na ayaw ko mag-comment.

“Pero ang prayer ko, kung ano man ang hinihingi ng bawat partido, sana mabigay, lalo na at may batang involved.

“Ako kasi, tatay ni Andre si Jomari. Although hindi kami on good terms talaga, speaking terms, I’d like to give that to them to solve this privately.

“And my heart, of course, goes to the kids because I’m a mother too. So sana maayos nila and mabibigay na kung ano ‘yung nararapat sa mga bata.”

Tinanong si Aiko ng panganay niyang si Andrei kung may narinig na siya tungkol aa gusot ng tatay niya at sa tita Joy niya.

“Sabi ko, ‘I heard, ‘I just told him, ‘You know, whatever it is, kung anuman ‘yung meron kami, siguro that’s the reason why I’m blessed and worked hard siguro para maiwasan ko yung ganitong issue.’

“Siguro, kaya rin siguro ako bini-bless ng Panginoon ng maraming trabaho para sa mga anak ko, para mabigay ko sa mga anak ko ang best para sa kanila,” tuloy pang pahayag ng aktres.

Sa tagal na naming ka-tsikahan si Aiko ay hindi siya nagsalita ng hindi maganda sa mga tatay ng mga anak niyang sina Jomari at Martin Jickain for Marthena.

“I never speak ill of their fathers, with Marthena, with Andre, even if I have so much to say, never.

“There are so many things that I wanna say right now inside my heart that I feel for my son, the right of my son, but I’d rather keep it to myself.

“And I’d rather sacrifice the feeling that I have in my heart because it’s my respect for my son.

“Because I don’t want them to grow up in such a way that they hate their fathers.

“I just want to remain pa rin, yung happy times namin with Jomari. Kasi, in the same way, gusto ko rin si Jomari, kapag nakakausap niya si Andre, hindi niya ako iba-badmouth.

“So siguro, sa akin, this is to talk about child support, di ba, so sa akin, kung may kusa, thank you, kung wala, hindi naman ako namimilit,” pangangatwiran ng aktres.

Ang ganda ng panuntunan ni Aiko sa buhay, saan ito nanggagaling.

“Because I’m so blessed, there’s no room for hatred, there’s no room. Siguro it pays to be happy and to live a good life.

“And when you have God in your life, there’s so much parang no place for hate. Parang kung maghi-hate pa ako and kung titingnan ko, kumbaga, dapa na si Jomari ngayon, e, because of the accusations being hurled at him.

“And in the same way, I feel for Joy also because babae ako and nanay din ako, di ba?

“Kaya lang, ayokong pumagitna kasi gulo nila ‘yan. Sana ayusin nila,”say pa ni Aiko.

Tinanong namin kung nag-reach out sa kanya si Joy, “oo pero hindi ko pa nasagot,” kaswal nitong sabi.

Pero sa FB video ni Aiko nitong Martes nang gabi kung saan ibinalita niyang operahan siya ay nag-comment si Joy na magpagaling siya at pinasalamatan naman siya ng aktres.

Hanggang ngayon ay hindi pa nakakapagbigay ng official statement si Jomari dahil kasalukuyan itong nasa Amerika base sa pahayag ng kanyang publicist na si Pilar Mateo.

-Reggee Bonoan