Usap-usapan ng mga netizen ang DJ at social media personality na si Jellie Aw matapos niyang i-flex ang karelasyong si Jam Ignacio, patunay na talagang in good terms at back together na talaga silang dalawa.
Nakakaloka nga ang sey ni Jellie dahil naiiba raw ang paningin niya kapag inaabutan na siya ng pera ni Jam.
Pabiro ngang ibinida ni Jellie na kapag inabutan na raw siya ng bungkos ng pera ni Jam, nagiging si "Derek Ramsay" na raw ito sa kaniyang mga mata.
"Paningin ko after ako bigyan ng pera ng asawa ko," mababasa sa text caption ng video.
Sa caption naman, sinabi ni Jellie nagiging Derek si Jam sa paningin niya pagkatapos siyang abutan ng pera.
Pero ang mga netizen, tila iba naman ang reaksiyon at komento sa pag-flex niya.
Hindi talaga mawala sa isipan ng mga netizen ang kinasangkutang bugbugan issue ng dalawa, na eventually, mukhang nagkapatawaran na nga sila matapos pang umabot sa pagrereklamo ni Jellie laban kay Jam, sa National Bureau of Investigation (NBI).
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
"next time mag dodoble paningin mo jan hahaha"
"Mukhang eto na yung sign na malapit na ang 2nd match."
"Hindi ba star nakita mo? Haha."
"Haha ang sarap sarap ni jam kahit nanakit kainis haha parang hard sya eeeeehh ano ba."
"ang daming stress sknila ang saya! habang yung dalawa ang saya saya lang. parang walang epek mga sinasabi ng Basher perfect! lakas din kasi mang asar ni jellie."
Samantala, hindi naman pinatulan ni Jellie ang mga pambubuska sa kaniya ng mga netizen dahil mukhang happy naman siya sa desisyong tuluyang patawarin at balikan si Jam.
Maki-Balita: Matapos ang bugbugan: Jam Ignacio at Jellie Aw, nagkabalikan?
Maki-Balita: 'Kung si Lord nga nagpapatawad what more pa na tayong anak N'ya lang?'—Jellie Aw
Maki-Balita: 'After ng sakuna eto na kami ngayon!' Jellie Aw, Jam Ignacio sosyo sa negosyo