ANG pelikulang Love is Love ay isinali ng RKB Productions sa 2019 Metro Manila Film Festival pero hindi ito napasama kaya mas inagahan na lang ang pagpapalabas nito, sa Disyembre 4 na sa buong Pilipinas mula sa direksyon ni GB Sampedro.
Ang mga bidang artista ay sina JC de Vera bilang si Anton, motivational speaker at walang exciting na nagaganap sa buhay dahil bahay, office lang siya araw-araw. Sa madaling salita, boring ang buhay niya.
“Then I have a best friend, si Wacko (Neil Coleta) na ipinakilala ang fiancée niya tapos nagkagusto ako sa fiancée,” paglalarawan ni JC.
Si Roxanne Barcelo naman, “Ako ‘yung fiancée, Winona ang name ko at fiancée ni Wacko. Nauna muna siyang umuwi ng Pilipinas kasi busy si Wacko sa States. Hanggang sa bumalik ng Pilipinas at marami silang binalikan ni Anton in the past.
Kasama rin si Raymond Bagatsing bilang si La Greta, “ako po ang may-ari ng isang resort, Sanctuary at lahat sila works for me, si Anton, Winona. Ako ang nagbibigay ng love advice sa kanila. La Greta has a lover, si Calvin (Jay Manalo), maganda ang love story nila, malalim ang story.”
Ayon naman kay Jay, “ako po si Calvin, lover at katuwang sa buhay ni La Greta.”
At dahil tungkol sa LGBT ang “Love is Love” ay natanong ang mga bida kung sakaling magkagusto sila sa kaparehong gender ay posibleng maging katulad na rin sila.
Hindi naman naniniwala si JC, “I don’t think so, ako lang ‘to ha. May iba-iba na tayong paniniwala pagdating diyan. Ang lalaki ay lalaki, ang bading ay bading. So, kung ang totoong lalaki pumatol sa bading it doesn’t necessarily bading din siya, lalaki pa rin siya, that’s for me.”
“Just like the title Love is Love it goes beyond gender, it’s a feeling na may isang taong nag-connect sa ‘yo, may chemistry kayo hindi naibigay ibang tao, it so happened na you’re the same sex, the most important ‘yung pagmamahal, eh. Lahat naman tayo hinahanap pagmamahal, ‘yung attraction, physical intimacy sandali lang ‘yun pasulput-sulpot lang but after that anong pag-uusapan n’yo?
“So, when you connect with someone, for me kasi it is very important kasi pag lumipas sa ‘yo ‘yung mga nagmamahal ng malalim you have to appreciate it,”pahayag ni Raymond.
Ang paniniwala naman ni Jay, “’yung lalaki pumatol sa bading, bading na rin? Sa tingin ko kung may itinatago at nagpapakalalaki siya at naramdaman niya na minahal niya ‘yung bading, ‘yun na rin, itinago lang niya. Pero kung sasabihin mo tunay na lalaki, na in love sa bading, parang hindi totoo, hindi nangyayari. Maaaring companionship, pero ‘yung para maging bading din, hindi totoo kasi ang tunay na lalaki, sa babae pa rin ‘yan.”
At ang direktor ng pelikulang “Love is Love” na si GB, “iba-iba opinyon diyan at pananaw. Nu’ng bata ako, ang feeling kapag ang lalaki o pumatol sa bading, bading din. Pero nu’ng nagma-mature na ako, nakita ko naman o na-open na ako paano makisama at sino ang gusto nating pakisamahan at ma-in love. Nu’ng nagma-mature na ako, naintindihan ko na ‘yung mga lalaki na nai-in love sa kapwa lalaki, puwede sigurong ang tingin ng ibang tao ay bading din dahil nga lalaki sa lalaki. Iba na ang panahon ngayon accepted na ng mundo natin, puwede rin naman.”
Ma r ami n g l a y e r s a n g pelikulang “Love is Love” kaya mas magandang panoorin ito sa Disyembre 4 para mas lalong maintindihan kung ano ang buong kuwento at kung sino talaga si Roxanne sa pelikula.
Samantala, sa presscon ay inamin ni Jay na mas type niya ang bading kaysa sa matron dahil mas madaling kausap ang gay bukod pa sa wala naman siyang kakilalang matron rin.
At diretso ring inamin ng aktor, “oo may gay experience na ako.”
-REGGEE BONOAN