SA tuwing may presscon si Raymond Bagatsing para sa kanyang mga proyekto ay may isang bagay na gustong tanungin ang media na hindi nila magawang itanong dahil inaalala nila na baka magalit siya o kaya ang mismong nagpa-presscon dahil inisip nila ay nabastos ang aktor.

RAYMOND N JAY1

Pero sa nakaraang Love is Love mediacon ay natanong na si Raymond dahil kunektado rin naman sa pelikula ang tanong. Gumaganap na bading ang aktor bilang si La Greta na hindi naman bago na ito sa kanya dahil maraming beses naman na siyang gumanap na gay sa ibang projects.

Kaya ang tanong kay Raymond, bading o straight guy siya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagkakaibigan nina Alden, Kathryn hindi nawala mula noong 'HLG'

“I don’t know! Mahirap magsalita ng tapos, eh. All I know is I appreciate everyone, I appreciate people, human being, feelings, I appreciate love. Matagal ko ng tinatanong ‘yan being an artist kasi I’m very close to a lot of gay people, actually to my bestfriends, I’m very close to men, macho alike. I’m very close to a lot of girls, platonic or it could be in a relationship it doesn’t really matter.

“So, I asked myself, ano ba? I find men good looking, I find gay good looking, I find peoples’ heart best looking, so hindi ko masasabi ‘yun (gay siya),”paliwanag ng aktor.

Ginawang ehemplo ni Raymond ang namayapang Hollywood actor na si James Dean.

“One of my favorite actor, James Dean na napakalalim na aktor at magaling mag-portray ng character, one time sabi niya sa bestfriend niya, ‘I want to try to be in a relationship to go to bed with a man. How can I feel if I’m given a role as a homosexual, how can I do it, so parang ginawa nga niya, but he was a man,”kuwento ng premyadong aktor.

Kaya nabanggit ni Raymond na hindi niya puwedeng limitahan ang sarili sa pangtanggap ng iba’t ibang karakter na gagampanan niya dahil aktor siya.

“So ako, hindi ko puwedeng i-limit ang sarili ko. Ang love has no gender, that is the message of this film, kasi ang love galing sa puso, eh.

“I don’t know what I am, I like to be a human being na marunong magmahal at mag-appreciate ng tao,” diretsong sabi ng aktor.

Confused ba si Raymond sa gender niya, “I don’t think I’m confused, I just don’t like myself a category or I don’t like to limit myself who I am, ‘coz marami pang growth as a human being hindi pa tapos ang buhay ko, may bukas pa, may next week pa, so, I don’t know what to discover, life for me is a discovery, it’s a journey hindi ko puwedeng isarado at sabihin sa madla na ito lang ako kasi baka bukas may madagdag sa akin o may mabawasan sa akin.”

Tahasang inamin din ng aktor na may offer sa kanya ng same sex na magkaroon sila ng relasyon.

“Theres always offer especially in this industry, ‘di ba? This is an eccentric industry,” pag-amin ni Raymond.

Ang lahat ng kuwentong ito ni Raymond ay sakto sa istorya ng pelikulang Love is Love na mapapanood na sa Disyembre 4 mula sa RKB Productions na idinirihe ni GM Sampedro. Kasama rin sa pelikula sina Roxanne Barcelo, Jay Manalo, Rosanna Roces, Rufa Mae Quinto, Marco Alcaraz, Johnny Revilla at iba pa.

-REGGEE BONOAN