PAGKATAPOS ng Sharon Cuneta at Regine Velasquez collaboration sa Iconic concert na isang big hit, susunod naman ang Regine at Sarah Geronimo collab sa two-night Valentine concert. Wala pang ibang details na inilabas ang Viva Live na magpoprodyus ng concert maliban sa date na February 14 and 15.

Regine Sarah

Wala pang title ang concert at parts ng face at eyes pa nga lang nina Regine at Sarah ang inilabas at nakasulat ang “Asia’s Power Performers Soon!” Kahit wala pang details sa concert, marami na ang excited sa fans ng dalawa na mapanood silang magkasama sa isang full concert.

Busy pa sa kani-kanyang ganap sina Regine at Sarah at si Regine, sa naging bakasyon nila ni Ogie Alcasid sa Italy ang pinagkakaabalahan, by posting photos of them together.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May post nga si Regine tungkol sa bakasyon nila ni Ogie: “This trip I did a lot of things differently. I walked (i hate walking), I ate ( a lot), I drank wine (I don’t really drink). I shopped but didn’t really buy anything for myself. My phone was almost fully charged at the end of the day coz I was talking (a lot) and I was laughing the whole time. To make a long story short I had a great time. Thank you my love @ogiealcasid #myadventureinItaly.”

-NITZ MIRALLES