MAPAPANOOD ng sambayanan ang galing at katatagan ng mga Pinoy polo players mula sa Philippine National Federation of Polo Players (PNFPP).

At ang kaganapan na mapabilang sa sports calendar ng 30th Southeast asian Games ay bunga nang suporta at pagkakaisa ng Philippine Olympic Committee (POC), Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) at Philippine Sports Commission.

“Without their support we will not realize our dream of playing in the coming regional meet and play against the top guns of other countries,” pahayag ni PNFPP founding member Rep. Mikee Romero.

“Hats off to POC President and Rep. Bambol Tolentino for all the help, without his backing out our sport will be left out in the cold, and course to House Speaker Alan Peter Cayetano for the valuable support and motivation,” aniya.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Iginiit ni Romero na hindi nagpabaya ang pamahalaan sa pamumuno ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez para maibigay sa koponan ang kinakailangan suporta kabilang ang pagsasanay sa Buenos Aires, Argentina.

“It was a wonderful experience and we learned a lot during our two-week training camp,” pahayag ni Romero, nagtamo ng minor injury sa pagkakahulog sa kabayo habang nagsasanay sa Argentina.

Ang polo competition ang unang sports na lalaruin bago ang pormal na opening ceremony sa Nobyembre 30 sa Philippine Arena sa Bulacan. Nakatakdang magsagawa ng misa at pasasalamat para sa pagbubukas ng ‘Bamboo Pavillon’ ng Miguel Romero Field sa Calatagan, Batangas – ang venue ng kompetisyon na magsisimula bukas.

“Aside from our beautiful facilities, the Bamboo Pavillon will be a great attraction for polo lovers. Designed exquisitely, it really looks regal,” pahayag ni Romero.

Magkakaroon din ng friendly game sa pagitan ng Team Philippines laban sa Argentine at British players.