TINUPAD ni Alden Richards ang pinangako na reregaluhan niya si Jo Berry, gumaganap na Nanay Strawberry niya sa The Gift, ng maliit na mini folding rocking chair. Nag-order si Alden ng mini folding rocking chair sa Shopee para kay Jo at sa taping nila ng The Gift last Monday, dumating ang in-order na red mini rocking chair.

Alden at Jo

Nakakatuwa na si Alden mismo ang nag-ayos sa mini folding rocking chair na agad inupuan ni Jo. Mas lalong komportable nito si Jo habang naghihintay ng mga eksena niya sa The Gift. Makakasandal siya habang nagbabasa ng script.

Hindi pa nagpo-post si Jo, hindi pa natin alam ang tuwa niya sa regalo ni Alden na puwede niyang magamit sa ibang taping.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Also, hindi lang pala si Jean Garcia ang pinasalubungan ni Alden ng chocolate from his Dubai trip dahil may nakita kaming video na nakalatag sa mesa ang marami at iba’t ibang klase ng chocolates. Bahala na ang mga kasama, staff at crew na mamili kung anong chocolate ang gusto nilang kainin.

-NITZ MIRALLES