HINDI mahulugang karayom sa rami ng tao ang ginanap na pagbubukas ng Sylvia Sanchez by Beautederm nitong Linggo sa #68 Roces Avenue corner Scout Reyes, Quezon City dahil halos lahat ng endorser ng nasabing beauty product ay dumalo sa pangunguna nina Lorna Tolentino, Alma Concepcion, Sheryn Tan, Ryle Tan, Maricel Morales, Kitkat Favila, Jestoni Alarcon, Alex Castro, Pb Esquieres, Jimwell Stevens, Rochelle Barrameda, Cecille Cobarrubias, Ejay Falcon, Ynna Asistio, Arjo Atayde, Gabby Concepcion at marami pang iba.

ria n ibyang

Hindi endorser ng Beautederm pero sumuporta sila para kina Sylvia at Ria na sina Ms Nova Villa, Dessa, Raikko Mateo, FDCP Chairperson Liza Dino at Ice Seguerra at iba pang showbiz at non-showbiz friends ng mag-ina.

Siyempre hindi puwedeng wala ang Presidente at CEO ng Beautederm na si Ms Rei Ramos Anicoche – Tan na isa sa punong abala sa mga bisita at nag-organisa para maging successful ang pagbubukas ng bago niyang store na sabi nga niya bago matapos ang taon ay 100 na na ito.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dumating din ang buong pamilya Atayde mula kina Papito at Mamita, mga kapatid ni Papa Art, at mga pinsan nina Arjo at Ria.

At ang forever Sylvianians ni Ibyang na dumayo pa ng QC para suportahan ang bagong store ng kanilang idolo.

Malaking tulong din na maraming artistang nakita ang mga dumadaan sa kahabaan ng Roces Avenue dahil napapahinto sila at sinamantala ang maraming promo ng skin care na buy 1 take 1 kaya naman hindi makapaniwala si Sylvia sa benta nito sa opening day na ayaw banggitin sa amin kung magkano.

Ayon kay Sylvia ay si Ria ang owner ng Sylvia Sanchez by Beautederm at sinusuportahan niya ito at pati ang mga bubuksang outlet sa SM Malls ay pag-aari rin ng anak na aabot sa 3 pa next year.

Nagpapasalamat si Sylvia kay Ms Rei sa magandang idinulot nito sa buhay niya dahil nagtiwala na maging unang endorser hanggang sa dumami na ang sangay nito.

Sabi ng aktres, “naniniwala ako na kapag nagbigay ka ng something sa kapwa mo o meron kang isi-share, hindi ka nage-expect na mababalik sa ‘yo kasi itinulong mo ‘yun.”

At dahil tuluyang lumalaki na ang Beautederm ay natutuwa ang original endorser, “sobra akong natutuwa at gusto kong makita si Rei Tan na ang skin care niya ay maging number one dito sa Pilipinas dahil totoo at naniniwala ako sa produkto, of course alam kong gifted na ako sa skin ko nu’ng bata pa ako pero na-enhance ito ng Beautederm at hindi ako magkakaroon ng 2nd, 3rd, at marami pang store kung hindi ako naniniwala.

“Ayokong masira na kaya ako nagbukas ay para lang makabenta at magkapera, lahat tayo gusto nating magkapera, lahat tayo gusto nating kumita para sa pamilya natin, di ba, sa future ng mga anak natin at the same time ‘yung mga tao na serbisyohan natin ay gaganda rin sila. At nakakatuwa kasi ‘yung ibang customers namin ni Ria nagiging resellers at disributors.

At dahil lahat sila ay abala at bihirang nagkikita-kita kaya bago matapos ang 2019 ay nasa Dubai ang Atayde Family para salubungin ang 2020.

“Nandito kami ng Pasko, pero bago mag-New Year ay papunta kami ng Dubai, last yeat nasa Japan kami, this year sa Dubai naman, saka gusto ko buo kaming pamilya pag Christmas at New Year,” kuwento ng aktres.

Tinanong kung makakasama nila si Maine Mendoza sa Dubai, “ay hindi ko alam, bahala na sila ni Arjo mag-usap diyan, ayokong makialam,”mabilis na sagot ni Ibyang.

-REGGEE BONOAN