“MAMI” ang malambing na tawagan nina Angelica Panganiban at Bea Alonzo na kasama ni Richard Gutierrez, silang tatlo ang bida sa Star Cinema movie na Unbreakable. May letter si Angelica kay Bea na na-touch si Bea.

Bea at Angelica

“Dear Mami Mariel, Ilang araw na lang mula ngayon, makikilala na tayo ng mundo. Tinupad ng Diyos ang pangarap natin na makatrabaho ang isa’t isa. Hindi man sa pinakamadaling paraan, pero nangyari. NANGYAYARI NA. Katulad na lang noon, na hindi tayo makapaghintay na makatrabaho ang isa’t isa, hindi rin tayo makapaghintay ngayon na makilala nila tayo. Sa hindi din nila inaasahang journey ng maturity na meron tayo ngayon.

Hindi tayo maghihiwalay. Hindi tayo masisira. Kaibigan kita habang buhay. Walang makakasira satin. I love you mami bei @beaalonzo.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sumagot si Bea ng “@iamangelicap Mami!!! Na-fragile naman ako dito. Love you Mami!!”

Nag-post din si Angelica ng photo nila ni Bea na parehong basa ang buhok nila at kung saan, sabi ni Angelica, maganda ang “mami” niya. Nag-comment sina Angel Locsin at Anne Curtis na kasama nina Angelica at Bea sa kanilang circle of friends na maganda ang friends nila.

Maganda siguro kung sa premiere night ng Unbreakable bago ang regular showing sa November 27, ay manood sina Angel at Anne at iba pa nilang kaibigan. Si Mae

Cruz-Alviar ang director ng movie.

-NITZ MIRALLES