KUNG sa pelikula ay hinanap ni Christopher De Leon ang Perfect Mother (sa katauhan ni Regine Velasquez) madali itong nakita ni Dingdong Dantes kay Marian Rivera ng pakasalan niya ito a few years ago.

Marian

“I am truly blessed for having a loving wife, two beautiful children and a wonderful family. This is what i prayed for at wala na akong mahihiling pa,” wika ng star ng Descendants Of The Sun.

By choice ay mas pinili ni Marian ang maging priority ang kanyang pamilya. Hands on siya sa lahat ng bagay at gusto niyang personal na inaasikaso ang mga anak niya which include paghahatid sundo sa paaralan. Alternate sila ni Dingdong dahil kailangang may naiiwang tao sa bahay.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Maging sa pa­giging product endorser ni Zia ay limitado, da­hil gusto niyang lumaking normal ang bata at hindi pinagkakagulu­han.

Ipinagbukas niya ng sariling bank account si Zia na puwede niyang galawin pagsapit ng ta­mang gulang.

Nag- r ene w kamakailan si Marian bilang en­dorser ng isang beauty product. Nakipag partner din siya sa Chair­man at CEO ng naturang produk­to via ‘Yes Pinoy F o u n d a t i o n ’ upang tulungan ang mga nasal­anta ng lindol sa Mindanao.

-REMY UMEREZ