TIWALA ang Philippine cycling team na magiging maganda ang kanilang kampanya sa 30th Southeast Asian Games.

Hindi lang dadalhin ng mga siklista ang homecourt advantage kundi ang buong suporta ng PhilCycling sa pamumuno ni Cong. Abraham ‘’Bambol’’ Tolentino at team manager Ernesto ‘’Judes’’ Echauz na siya ring chairman ng Standard Insurance at pangulo ng Philippine Sailing  Federation.

NUMERO UNO! Kumpiyansa ang Philippine Cycling Team, sa ayuda nina Cong. Bambol Tolentino at Standard Insurance president Ernesto ‘’Judes’’ Echauz sa kampanya sa 30th SEA Games.

NUMERO UNO! Kumpiyansa ang Philippine Cycling Team, sa ayuda nina Cong. Bambol Tolentino at Standard Insurance president Ernesto ‘’Judes’’ Echauz sa kampanya sa 30th SEA Games.

Suportado rin ng Standard Insurance ang Philippine duathlon team na inaasahang magbibigay din ng gintong medalya sa Pilipinas.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Naniniwala si one-time SEA Games gold medalist Marella Salamat na palaban ang pambansang koponan na may kakakayahang maddomina ang cycling event ng biennial meet na nakatakdang sumikad sa Disyembre 4-7 sa Nasugbu, Batangas. “We’re very confident of winning most of the gold medals in the SEA Games,” pahayag ni Salamat sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros.

“Maayos ang naging paghahanda namin ngayon at tiwala kami na mananalo kami,” dagdag ni Salamat na kinuha ang ginto noong 2015 sa Singapore SEA Games.

Pinasalamatan ni Salamat ang Standard Insurance sa pamumuno ni Echauz sa todong suporta na binibigay sa cycling.

Sinabi ni Salamat, nag-aaaral ng dentistry sa University of the East, na maganda ang preparasyon ng mga siklistang Pinoy  para sa SEA Games.

Noong 2016 ay kinuha ni Salamat ang pilak sa World University Cycling Championships sa Tagaytay City.

“To be honest, I don’t want to put too much pressure on myself anymore. I’ll just do my best and see what happens,” sambit ni Salamat.

Tiwala rin ang mga kasangga ni Salamat na  El Joshua Carino, Ronald Oranza at Jermyn Prado na nagmula sa Pagbilao, Quezon. Kampeon ng Le Tour si Carino at Ronda Pilipinas si Oranza.

Dadalhin ng National ang ngalan  Philippine Navy-Standard Insurance .

“Sa tingin ko, para sa atin itong gold ngayon.. Last year, nakita na namin ang mga kalaban at sa tingin namin, kaya,” ayon kay Carino.

Sinabi ni Oranza na mabigat na kalaban ang Thailand at Indonesia.

“Pero malaking bagay yun kabisado natin yun ruta. Homecourt advantage tayo,” aniya.

Bagamat baguhan, sinabi ni Prado na handa siya sa padyakan.

First time ko sa SEA pero masaya ako na dito sa atin gagawin ang laban,” wika ni Prado na back-to-back champion ng PruRide. Annie Abad