Napakahalagakay Lovi Poe ang kanyang career at hindi niya ito isasakripisyo kapalit ng pag-ibig.
Ano ang hanap ni Lovi sa isang lalaki? “Dapat maintindihan niya ang trabaho ko. ‘Wag pagbawalan na iwanan ko ito o kaya’y diktahan kung ano ang hindi ko dapat gawin on screen.”
Hindi nakikita ni Lovi ang sarili na getting married in the near future dahil hindi pa siya handa para bumuo ng pamilya. Gusto niyang mag-travel, met new faces, and enjoy life.
Inamin niyang she’s in a long distance relationship with Monty Blencowe. A movie producer at medical researcher from England na based sa America. Agad silang nagkasundo sa maraming bagay and she is hoping for the best.
Eye opener para kay Lovi ang role niya sa The Annulment dahil madugo ang pinagdaanan nila bilang mag asawa ni Joem Bascon. Aniya hindi niya ito hahangaring mangyari even to her worst enemies.
Ang moral lesson? Bago magpakasal ay alamin maigi ang tunay na pagkatao ng lalaking pakakasalan bago maging huli ang lahat.
-REMY UMEREZ