NAGSIMULA nang magdatingan ang mga kalahok na dayuhan sa 2019 Rebisco Beach Volleyball International Open.

Nauna ng dumating ang men’s team ng Pacific Island ng Palau kahapon at nagsimula ng mag-ensayo para sa tatlong araw na kompetisyon na magsisimula bukas sa Sands SM By The Bay.

Inaasahan namang darating ngayon ang mga Southeast Asian teams Malaysia at Thailand, kasama ang Hong Kong at New Zealand.

May kabuuang 20 koponan ang maglalaban-laban sa men’s at women’s divisions ng spikefest na bahaging pagsasanay ng Team Philippines na sasabak sa 30th Southeast Asian Games.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Maliban sa mga miyembro ng national teams na sina Sisi Rondina at Bernadeth Pons, at sina Dzi Gervacio at Dij Rodriguez ang iba pang mga Filipina na kalahok sa torneo na itinataguyod ng Liberty Insurance, Glorious Blend Coffee at Globe Telecom sina Babylove Barbon at Gen Eslapor ng reigning UAAP champion University of Santo Tomas, at mga sand court veterans na sina DM Demontaño at Jackie Estoquia ng Sta. Lucia sa women’s division.

Bukod naman kina Nationals Edmar Bonono at Jude Garcia, at sina Krung Arbasto at James Buytrago sasabak din sa men’s side sina Pol Salvador at Pemie Bagalay.

-Marivic Awitan