TAHIMIK lang si Sylvia Sanchez habang pinanonood ang Bagman 2 na bida ang anak na si Arjo Atayde dahil ninanamnam pala niya ang bawa’t eksena at kinakabahan pa rin, pero sobrang proud siya sa anak niya.

Atayde family

Pagkatapos ng screening ay sobrang pinuri ng aktres ang lahat ng kasama ni Arjo sa Bagman dahil lahat ay mahuhusay.

“Ang gagaling nilang lahat, ang galing ng mga aktor, ang cool, relax ‘yung acting pero nakakatakot silang lahat. Abangan n’yo po ito, iba talaga ang tatak ng Bagman, Rosanna Roces, Irma (Adlawan), Lito Pimentel, Mon Confiado, Menggie (Cobarrubias), Rez Cortez, at iba pa, of course (sabay turo sa stundy nina Arjo at Carlo)’ tong dalawang aktor,”pahayag ni Sylvia na sobrang saya ng mga sandaling iyon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nabanggit din ni Ms Maricel Soriano na dumalo rin sa screening kay Ibyang, “Sylvia, aminin na natin, mas magaling sa atin si Arjo, napakahusay ng anak natin.”

Maging si Rosanna na hindi naman nakadalo dahil may shooting ng pelikulang Unbreakable kasama sina Bea Alonzo at Richard Gutierrez ay si Arjo rin ang sinabing mas magaling umarte kaysa sa nanay nitong si Sylvia.

Tinanong namin kung gusto rin niyang mag-guest sa Bagman Season 3, “oo gusto ko finale ako papatay kay Arjo, wahh,” tumawang sabi ng nanay ng aktor.

Sabi pa, “alam mong about politics (istorya ng Bagman), may patayan pero hindi nagsisigawan, napaka-cool. Iba ang twist, hindi mo mahuhulaan ang kuwento, kung saan-saan ka dinadala na magugulat ka na lang at sasabihin mong, ‘ay ganu’n pala ‘yun mae-excite ka.

“Kaya sa lahat ng cast ng Bagman, sa crew, sa productions congratulations sa inyong lahat Dreamscape (Digital at Rein Entertainment), sa mga direktor sa lahat hindi ko na kayo iisa-isahin.

“Arjo and Carlo, pangarap ko ito na magsama kayo, heto na nangyari and hindi talaga ako nabigo sa pangarap ko na ‘yun na dalawang aktor na magaling.”

Oo nga nabanggit ni Ibyang sa opening ng Beautederm sa Butuan City noong 2017 na pangarap niyang magsama sa isang project sina Arjo at Carlo na parehong brand ambassador ng nasabing skin care at nagkatotoo na nga.

Kahapon ng 12 noon ay umere na sa iWant ang Bagman 2.

-Reggee Bonoan