PAHULAAN kung sino ang pinatutungkulan ni Angelica Panganiban sa cryptic message niya na “Sino ang may gusto ng bagoong?” at “Laro tayo ng fill in the blanks at use me in a sentence” at may kasamang picture ng hilaw na mangga at bagoong.

CARLO at Angelica

Ang gusto raw tukuyin ni Angelica ay ginamit siya ng kung sinumang tao na ang hula ng mga nakabasa sa post niya ay si Carlo Aquino. Hindi maiwanang ikumpara si Angelica kay Bea Alonzo na naka-move on na raw after ng break-up nila ni Gerald Anderson dahil hindi nagpo-post ng cryptic messages.

Anyway, ang ganda ng poster ng Star Cinema movie na Unbreakable starring Angelica, Bea and Richard Gutierrez. Showing ang movie sa November 27, sa direction ni Mae Cruz-Alviar. May special participation sina Ian Veneracion, Rosanna Roces at Ms. Gloria Diaz.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang daming makaka-relate sa story ng Unbreakable na tungkol sa dalawang magkaibigang babae na nangakong walang sisira sa friendship nila kahit lalake, kaso dumating si Richard na pareho nilang minahal.

-Nitz Miralles