Muling nagpalitan ng pag-ataek ang United States (US) at Iran, sa kabila ng ceasefire na nananatili sa dalawang bansa.
Ayon sa mga ulat, Huwebes ng gabi, Mayo 7, 2027 nang muling sumiklab ang tensyon sa pagitan ng US at Iran matapos ang halos isang buwang tigil-putukan sa panig nilang dalawa.
Kaugnay nito, nanindigan naman si US President Donald Trump na umiiral pa rin daw ang ceasefire sa pagitan nila ng Iran.
"It's just a love tap," ani Trump sa panayam sa kaniya ng media.
Samantala, nanindigan naman ang Iran na nakahanda silang gumanti oras na muling mang-udyok ng atake ang US.
"Sundalong pinagyosi rebulto ni 'Mama Mary,' buminggo!
"(The) U.S. and its allies must know that Iran will respond forcefully and without the slightest hesitation to any act of aggression or attack," anang Iran.
Matatandaang noong Abril 12 nang inihayag ni US Vice President JD Vance na hindi naging matagumpay ang nauna nilang peace talks ng Iran na ginanap sa Pakistan matapos umano silang hindi nagkasundo sa negosasyong kani-kanilang inilatag.
“The bad news is that we have not reached an agreement, and I think that’s bad news for Iran much more than it’s bad news for the United States of America,” ani Vance sa pagharap niya sa media sa Pakistan.
Dagdag pa niya, “So we go back to the United States having not come to an agreement. We’ve made very clear what our red lines are.“
Sinabi rin ni Vance na ilang ulit niyang nakausap si US President Donald Trump sa panahon ng negosasyon.
KAUGNAY NA BALITA: 'Bad news for Iran!' US, kinumpirmang olats ang negosasyon nila sa Iran