May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘Bata ka pa lang siraulo ka na!’ Willie pinabulaanang bawal siyang tingnan, makasalubong

‘Bata ka pa lang siraulo ka na!’ Willie pinabulaanang bawal siyang tingnan, makasalubong
Photo Courtesy: Screenshot from Wilyonaryo (YT)

Sinopla ng TV host na si Willie Revillame ang pahayag ng umano’y dating production intern niyang si Dex Conche tungkol sa patakarang ipinatutupad niya sa kaniyang programa.

Ayon kay Dex, noong intern pa lang umano siya sa dating programa ni Willie na “Wowowee” sa ABS-CBN, bawal umanong tingnan o lapitan ng mga staff ang naturang host.

“Bawal mo siya tingnan. Production intern ako within the studio at that time. Huwag mo siyang lalapitan. Kapag magkakasalisi kayo, umiwas ka ng tingin talaga,” ani Conche sa podcast na “Walang Edit Edit” ni Leland Lim.

Kaya sa isang episode ng “Wilyonaryo” kamakailan, hindi niya pinalampas ang pahayag na ito na naging usap-usapan sa iba’t ibang social media platforms.

“Marami nang lumalabas sa social media na paninira. Huwag po kayong maniniwala diyan na bawal raw akong tingnan,” saad ni Willie.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Dagdag pa niya, “Una, hindi ko po alam kung OJT o mayroon naka-intern diyan na mga estudyante. Hindi ko po alam ‘yan.”

Ayon sa TV host, wala rin umanong taong nakakapunta sa dressing room niya noon sa GMA Network.

Aniya, “‘Yong aking dressing room, walang tao do’n paglakad do’n. Backstage ho ‘yon. Kaya huwag kayong maniniwala na bawal akong tingnan o ano. Sira ulo ‘tong batang ‘to, e.”

“Alam mo, ikaw, bata ka pa lang sira ulo ka na.Minsan talaga mabubuwisit ka na lang talaga sa mga fake news na ito, e,” dugtong pa ni Willie.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon ang panig ni Dex tungkol sa sagot ni Willie.

Maki-Balita: Buking ng intern: Willie Revillame bawal tingnan, makasalubong sa hallway at elevator?