May 22, 2026

Home BALITA National

Castro, binira si VP Sara sa umano'y 'di pagtatrabaho ni PBBM; sinita 'pagbabakasyon' nito

Castro, binira si VP Sara sa umano'y 'di pagtatrabaho ni PBBM; sinita 'pagbabakasyon' nito
Photo courtesy: RTVM/YT, Bongbong Marcos/FB, Inday Sara Duterte/FB


Diretsahang pumatutsada si Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro hinggil sa mga naging pahayag ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa umano’y hindi pagtatrabaho ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa pakikipanayam ni Usec. Castro sa media nitong Biyernes, Mayo 8, hindi raw alam ni VP Sara ang tinatrabaho ni PBBM—lalo’t ngayong abala ito sa isinasagawang ika-48 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Meetings sa Cebu.

“Mayroon din akong nadinig…ang Pangulo daw ay hindi nagtatrabaho—we’re talking about trabaho,” panimula ni Usec. Castro.

Aniya, “Sabi niya, hindi daw nagtatrabaho ang Pangulo…kaya nga nakakalungkot. Inamin niya na hindi siya marunong gumamit ng computer at ginagamit lamang niya ang pinakamahal yata na laptop gamit lamang ito sa kaniyang pagzo-zoom.”

“So, again, hindi niya alam ang nangyayari….kung ano ang tinatrabaho ng Pangulo. Kita n’yo naman po, kayo po nandidito ngayon for the ASEAN Summit—ang Pangulo po ay nagtatrabaho,” dagdag pa niya.

Anang press officer, bago pumunta si PBBM sa Cebu, tiningnan daw muna nito ang sitwasyon ng Bulkang Mayon sa Albay—na sa kasalukuyan ay mayroong mataas na aktibidad at nakataas sa Alert Level 3.

Ginampaman din daw ng Pangulo ang pamamahagi ng tulong sa bawat bayan at barangay.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

“So, nakita n’yo po kung gaano po magtrabaho ang Pangulo. Ngayon nandidito siya, abalang-abala ang Pangulo sa ASEAN Summit at ang mga concerned agencies at concerned departments ng ehekutibo ay nandidito para magtrabaho,” anang press officer.

“Samantalang ang Bise Presidente, nandodoon po sa ibang bansa at nagbabakasyon. So, wala po siyang naitutulong ngayon sa ASEAN, at wala po siyang nagiging trabaho,” giit niya.