PHOENIX (AP) — Kaagad na nakabalik sa winning track ang Los Angeles Lakers sa impresibong 123- 115 panalo kontra Phoenix Suns nitong Martes (Miyerkoles sa Manila).

Nagsalansan si Anthony Davis ng 24 puntos at 12 rebounds, habang kumana si Kyle Kuzma ng 23 puntos para makabawi sa kabiguan sa kamay ng Toronto Raptors nitong Lingg.

Tangan ng Lakers (8-2) ang pinakamatikas na performance sa 10 laro mula noong 2010. Nagsak ang Phoenix sa 6-4.

Nanguna sa Suns sina Ricky Rubio at Kevin Booker na kumana ng tig-21 puntos, habang nag-ambag si Dario Saric ng 18 puntos.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

JAZZ 119, NETS 114

Sa Salt Lake City, ginapi ng Utah Jazz, sa pangunguna ni Donovan Mitchell na may 30 puntos, ang Brooklyn Nets.

Kumana si Rudy Gobert ng 18 puntos at 15 rebounds para sa Jazz, habang tumipa si Mike Conley ng 18 puntos at nag-ambag sina Emmanuel Mudiay na may 15 puntos at Jeff Green na kumana ng 13 puntos.

Sa iba pang laro, nagwagi ang Atlanta Hawks, tampok ang season-high 42 puntos ni Trae Young, kontra Denver Nuggets, 125-121. Naitala ni Chicago star Coby White ang franchise-record na pitong three-pointers sa fourth quarter tungo sa 120-112 panalo laban sa New York Knicks.