baseball

PATULOY ang determinado at pusong palaban sa kampanya ng bagong binuong na Philippine Women’s Baseball Team sa unang sabak sa international tournament matapos gapiin ang South Korea, 14-7, nitong Linggo sa BFA Asian Women’s Baseball Championship. Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Nationals matapos ang impresibong 12-3 panalo sa HongKong sa opening match ng torneo sa Panda Stadium sa Zhongshan, China. Kumpiyansa si Philippine Amateur Baseball Association (PABA) president Chito Loyzaga na matikas na pagtatapos ng koponan sa prestihiyosong torneo.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'