SA true lang ay kay gagaling ng mga sumaling dance groups sa ABSCBN Your Moment reality show na nag-start last Sabado night, November 9, 2019 at kinabukasan Linggo ng gabi, November 10, 2019 to be exact.

Wala kang tulak sipain, este, kabigin ‘ika nga.

Pero nitong Linggo ng gabi, November 10 ay talagang napatayo sa kanilang kinauupuan ang mga judges na sina Boy Abunda, Billy Crawford at Nadine Lustre para sa dance group named Kenyo Street Fam Dancers na kami man ay talagang napabilib din with their groovy performance, in pernes.

“Wowww…Talagang dito ay naramdaman ko talaga ang family sa inyong grupo. Tignan nyo, napatayo nyo ang mga judges! Alamin natin kung anong masasabi nila sa inyong performance,” sabi sa kanila ng isa sa host ng Your Moment na si Vhong Navarro. Co-host dito ni Vhong si Luis Manzano.

Tsika at Intriga

Andi Eigenmann, pinabayaan na raw ba talaga sarili niya?

“Sa umpisa kasi there were no fireworks pero ang sarap sarap panoorin. Mula sa simple dance moves hanggang sa tapon ahhh…ang sarap panoorin ng mata. Nag-e-enjoy kayo at kami din, enjoy kaming panoorin kayo. You dance na gamit ang puso.” Sabi ni Boy Abunda sa nasabing dance group.

“Sobrang…sobrang..sobrang favorite ko na kayo. Eto yung sinasabing less is more na you guys have swag. Meron kayong napaka…eto sa akin lang, ha, napakangandang cheography …yung musicality nyo…yung pinagsasabay nyo yung movements nyo sa kanta, sa lyrics, lahat, saktong-sakto. Yung mga transitions nyo, sobrang smooth..your formation ang gandang panoorin…pero halatang mga sira ulo kayong lahat, noh ( na siyang ikinatawa ng grupo) but for some reasons nakuha nyo yung puso namin, yung kaluluwa namin…at yung talagang connection na kailangan nyong makonek namin… yes, guys, congratulations!” ang mahabang litanya naman ni Billy.

“Ako naman hindi na ako magko-comment sa performance nyo kasi napatayo nyo na kami, eh. Gusto ko lang magpasalamat kay Mark ( isa sa dancers ) kasi nakikita at nararamdaman namin sa performance nyo pa lang kung gaano nyo kamahal ang isa’t-isa. Nagtra-translate yon, eh. Ang unang napansin ko sa inyo talaga is yung individuality ninyo. Kasi sa isang grupo importante rin na meron kayong sari-sariling itsura na para at least, kahit pare-parehas kayo ng suot na damit, ahh, kilala ko si ganito..ahh, si ganyan yung may bonnet..ahh, yun isa may bucket hat…importante yun sa isang grupo. Saka gustong gusto ko yung pati yung mukha sumasayaw, yan yung pinaka-favorite ko na moment na performance nyo, nakakaaliw.” Ang sey naman ng nag-iisang judges na girl na si Nadine.

So ang nasabing Your Moment Sunday episode of ABSCBN primetime ay puwedeng sabihing “moment” ng Kenyo Street Fam Dancers kaya sila ang naging winner that night.

Congratulations, guys and keep it up!

-MERCY LEJARDE