MAGANDANG balita sa showbiz ang pagbubuntis ni Anne Curtis-Smith at kahit wala pang deretsahang pag-amin sa kanila ng asawang si Erwan Heussaff na pregnant ang kanyang misis, sapat na ang caption ni Anne sa video post niyang “I think you should know something... Another reason to love November...” at naka-tag si Erwan.

Naka-post sa Instagram (IG) account ni Erwan ang same video na pinost ni Anne, pero wala siyang comment, pero nakaka-intriga ang 5/9 na sinulat nito.

Anyway, kabilang sa nag-congratulate kina Anne at Erwan sina Dingdong Dantes, KC Concepcion, Iza Calzado, Coleen Garcia, Jessy Mendiola, Vhong Navarro, Karylle, Camille Prats, Angel Locsin, Judy Ann Santos, Megan Young, Iya Villania at marami pang iba.

-NITZ MIRALLES
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter