PHOENIX (AP) — Pinalubog ng Miami Heat, sa pangunguna nina Jimmy Butler na may 34 puntos at Goran Dragic na kumana ng 25 puntos, ang Phoenix Suns, 124-108, nitong Huwenes (Biyernes sa Manila).

ISINALPAK ni Ja Morant ng Memphis Grizzlies ang bola sa harap ng depensa ng Miami Heat sa file photo ng kanilang laro nitong Oktubre 23 sa American Airlines Arena in Miami, Florida. Ang 21-anyos si Morant ang nangungunang rookie player sa kasalukuyan. (AP)

ISINALPAK ni Ja Morant ng Memphis Grizzlies ang bola sa harap ng depensa ng Miami Heat sa file photo ng kanilang laro nitong Oktubre 23 sa American Airlines Arena in Miami, Florida. Ang 21-anyos si Morant ang nangungunang rookie player sa kasalukuyan. (AP)

Nakabawi ang Miami mula sa 20 puntos na kabiguan sa Denver Nuggets nitong Martes (Miyerkoles sa Manila) para sa ikaapat na panalo sa huling limang laro.

Nagsalansan si Butler ng 18 puntos sa first quarter bago at 12 sa second period para tindigan ang 64-57 bentahe ng Miami sa halftime.

Mommy ni EJ Obiena, todo-suporta sa anak na pole vaulter: 'We're all here'

Kumubra naman si Dragic, naglalaro sa ikaanim na season sa Miami, ng 25 puntos sa second half, tampok ang three-pointer sa buzzer sa pagtatapos ng third period.

Natuldukan ang three-game winning streak ng Phoenix. Nanguna si Aron Baynes sa Suns sa naiskor na 23 puntos, habang kumana si Devin Booker ng 22 puntos at umiskor si Ricky Rubio ng 11 puntos at 11 rebounds.

SPURS 121, THUNDER 112

Sa San Antonio, hataw si LaMarcus Aldridge sa naiskor na season-high 39 puntos para sandigan ang San Antonio Spurs kontra Oklahoma City Thunder.

Naitala ni point guard Dejounte Murray ang career-high 10 assists bukod sa 17 puntos at walong rebounds, habang nag-ambag si DeMar DeRozan ng 16 puntos at siyam na assists sa Spurs, nakapagtala ng season-high 32 assists at tinuldukan ang two-game skid.

Nanguna si Danilo Gallinari sa Thunder (3-5) na may 27 puntos, habang kumana si Shai Gilgeous-Alexander ng 21 puntos.

Nag-ambag si Chris Paul ng 19 puntos at limang assists.

CELTICS 108, HORNETS 87

Sa Charlotte, naging emosyunal ang pagbabalik sa lungsod ni Kemba Walker, ngunit nanindigan si Jayson Tatum sa nakubrang 23 puntos para sandigan ang Boston Celtics kontra Hornets.

Nalimitahan si Walker sa 14 puntis at anim na assists para sa Celtics, nagwagi sa ikanim na sunod na laro. Nag-ambag si Gordon Hayward ng 20 puntos at 10 rebounds.

Binigyan si Walker ng maalab na pagsalubong at isang minutong standing ovation sa home crowd na dati niyang koponan na naging dahilan sa pagluha ng batikang point guard.

Naglaro ang three-time All-Star ng walong season sa Charlotte at all-time leading scorer ng prangkisa. Lumipat siya sa Celtics sa offseason matapos tanggihan ni Hornets owner Michael Jordan ang nais niyang five-year, $221 million supermax contract.

Sa kabila nito, walang masamang tinapay si Walker sa management at fans.

“I have always interacted with fans, always signed autographs and always took pictures,” pahayag ni Walker. “I was always nice to everybody, so I don’t think there should be any negative reactions.”