June 08, 2026

Home BALITA

Matapos masibak sa Kamara: Kiko Barzaga, gusto nang manood ng bold?

Matapos masibak sa Kamara: Kiko Barzaga, gusto nang manood ng bold?
Photo courtesy: via MB

May hirit na tanong si dating Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga matapos ang kaniyang pagkakasibak mula sa House of Representatives.

Sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Hunyo 8, 2026, humirit si Barzaga hinggil sa panonood umano niya ng isang uri ng video material.

“Ngayong hindi na ako Congressman, pwede na ba ulit ako manood ng bold?” ani Barzaga.

Noong Hunyo 2 nang tuluyang na-expel sa Kamara si Barzaga matapos itong pagbotohan ng kapwa mga kongresista at nakakuha ng 265-14-8 na boto. 

Si Barzaga, na unang naupo bilang kongresista noong Hunyo 30, 2025 sa pagsisimula ng 20th Congress, ay nagsilbi nang halos 11 buwan bago tuluyang mapatalsik sa puwesto. 

9 sa 11 suspeck sa flood control scandal, nakakulong na—DILG

KAUGNAY NA BALITA: Sa botong 265-14-8: Kiko Barzaga, tuluyan nang sinipa sa Kamara! 

Noong Setyembre 2025, naghain ng ethics complaint ang mga opisyal ng National Unity Party  (NUP) sa pangunguna ni Deputy Speaker Ronaldo Puno laban kay Barzaga. 

Isa sa mga pangunahing ebidensyang iniharap ng partido ay ang mga post ni Barzaga sa social media na umano’y nambabastos o nagpapababa sa tingin sa mga kababaihan (demeaning to women) at naglalaman ng mga malalaswang larawan.

Kaugnay nito,  matatandaang dalawang beses ding nasuspinde sa sa Kamara si Barzaga, bunsod ng kaniyang maaanghang na Facebook post laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdiand “Bongbong” Marcos, Jr., at laban sa mga kapwa mambabatas.

Maki-Balita: 'Guilty sa ethics complaint!' Kiko Barzaga, 60 araw suspendido, wala ring suweldo