WALANG dahilan para hindi matupad ni Alexandra Eala ang pangarap na makapasok sa Top 10 ng International Tennis Federation’s Juniors World Ranking for Girls 18 and under years old.
At kung suportang pinansiyal ang pag-uusapan, handa ang Globe na maglaan ng ‘resources’ para sa tennis phenom ng bansa.
Tinanghal si Eala na highest ranked female Southeast Asian athlete sa TF World Juniors matapos makuha ang No.13 nitong nakalipas na buwan.
At target ng 14-anyos na makapasok sa elite Top 10 sa kanyang pagsabak sa apat na grand slam event sa susunod na taon – ang Australian, French, Wimbledon at US Open.
Sa kanyang courtesy call kay Ernest Cu, President and CEO ng Globe, ikinatuwa ni Eala ang suportang inbinigay ng kompanya sa kanyang kampanya sa nakalipas na anim na taon.
“I have always been very close to Globe. I’ve virtually grown up with them! They’ve sponsored me since I was 8, supporting me whether the tournament was local or at a Grand Slam. I’m very grateful that they saw the potential in me even at such a young age. Hopefully, they will keep on supporting me throughout the rest of my career,” pahayag ni Eala.
Iginiit naman ni Cu na hindi titigil ang Globe sa pagsuporta kay Eala at sa iba pang Pinoy athletes para sa katuparan ng kanilang pangarap na makapagsilbi sa bayan.
“Just ignore the noise and focus on your game and your goals,” paalala ni Cu kay Eala. “Do not worry about other things. Kami na ang bahala.”
Si Eala ang unang Filipino na makalalaro sa Grand Slam tournament mula nang magawa ni Jeson Patrombon noong 1991. Pinakabata rins iya sa top 50 junior netters sa mundo. Mula sa #247 rank sa nakalipas na taon, umakyat si eala sa No.13 bunsod ng impresibong kampanya sa Grade A ITF Tournament in South Africa at World Super Juniors Tennis Championships Osaka Mayor’s