NAGTUNGO sa Tokyo , Japan ang national men’s volleyball team para sa kanilang pagsasanay bilang paghahanda sa nalalapit na kampanya ng bansa sa 30th Southeast Asian Games.

Ang 16-man PH Team ay pamamahalaan ni coach Dante Alinsunurin kung saan ayon sa kanya ay sisiskapin nilang mabuo ang isang magandang samahan sa koponan upang maging matagumpay ang kampanya ng bansa para sa nasabing biennial meet.

“This trip would give us the experience and improve our camaraderie and chemistry on and off the court. We want to test ourselves in real-game situations. We want to know how we would react and how we would adjust when we’re facing a superior and more talented team,” pahayag ni Alinsunurin na dati ring national team member.

Huling nakatikim ng podium finish ang nasabing koponan at nakakuha sila ng bronze noong 2005 SEA Games kung saan naging host din ang Pilipinas.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Bigo naman ang naging kampanya ng koponan noong mga sumunod na edisyon noong 2015 at 2017.

Ibabandera ng koponan sina Johnvic de Guzman ,Marck Espejo, Ran Abdilla, Mark Alfafara at Joshua Umandal kasama sina Ish Polvorosa, Kim Malabunga, Francis Saura and Rex Intal together with liberos Ricky Marcos at Jack Kalingking.

Makakatuwang ni Alinsunurin sina Sherwin Meneses at Dong Dela Cruz bilang mga assistant niya.

-Annie Abad