NAGTATAKA ang aktor na kasama sa isang teleserye kung bakit marami siyang natatanggap na hate messages sa kanyang social media account mula sa supporters ng kilalang aktor.
Ayon sa kampo ng aktor, “ano ba problema nila (supporters)? Lahat na lang inaaway nila? Wala namang ginagawa si (aktor) sa idolo nila, bakit sila nagagalit?”
Nag-ugat ang galit ng supporters ng kilalang aktor sa aktor dahil mas bumibida ito sa teleseryeng magkasama ang dalawa, bagay na hindi matanggap ng grupo.
“Mga mal-edukada,” ito ang iritableng sabi sa amin ng kampo ng aktor sa supporters ng kilalang aktor.
Mukhang sarado nga utak ng mga humahanga sa kilalang aktor dahil lahat ng taong nauugnay sa idolo nila ay inaaway nila kapag hindi nila gusto ang nangyayari. Ayaw naming isiping scripted lahat ito at isang tao ang may utos nito dahil ganito rin ang ginagawa nila sa ibang personalidad na hindi nila gusto.
“Kilala naman namin kung sino ang may utos n’yan, nakakaawa naman, sikat na nga ang alaga, hindi pa rin matahimik,” sambit ng kampo ng aktor na inaaway ng grupo ng supporter ng kilalang aktor.
Hmm, aware kaya ang kilalang aktor sa ginagawa ng taong malapit din sa kanya?
-Reggee Bonoan