SA panayam namin kay Arjo Atayde sa bahay nila kamakailan ay inamin nitong gusto niyang imbitahan ang girlfriend niyang si Maine Mendoza sa celebrity screening ng Bagman 2, isa sa mga araw na ito at sana ay makapunta ang dalaga.

ARJO10

Kailangan bang dumaan ni Arjo sa manager ni Maine para ipagpaalam siya, “kay Sir Rams, I normally ask her then she’ll ask na rin sa (manager). I never disobey whatever naman, basta okay kami.”

Nabanggit namin na nitong mga huling araw ay hindi na discreet sina Arjo at Maine sa relasyon nila kumpara rati na kapag tinatanong ang aktor tungkol sa aktres ay panay ang iling nito at ayaw nitong magkuwento. Pero ngayon ay sobrang open na siya sa dalaga.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Well, we’re very happy, very, v e r y happy. I’m so happy, tita!,” sambit ng binata.

Dagdag p a , “ I ’ v e n e v e r thought that I would get this state of happiness to be honest as cheezy as myself. I never thought that with my straight face (sabay tawa). I’m also very thankful to the people around her, her management, her friends and to her for being so tough for bringing me, for inviting me (sa mga okasyon), that’s makes me so happy.”

Maraming beses nang nakilala ni Arjo ang buong pamilya ni Maine at napaka-maayos daw nila sa kanya at tito at tita ang tawag niya sa magulang ng dalaga, first name basis naman ang tawagan nila ng mga kapatid ng aktres.

“Masaya po ako kapag kasama sila, they’re very welcoming, they’re very hospitable also,” sambit ng aktor.

Sinubukan naming tanungin kung ilang buwan o taon na sila ni Maine ang tigas ng iling ni Arjo sabay tawa.

Tinukso naming in love talaga si Arjo kay Maine dahil habang kausap namin ay namumula at ang ganda-ganda ng ngiti niya na hindi pa namin nakita ang ganitong expression niya sa mga huling nakarelasyon niya.

Clingy ba si Arjo, “sobra!”

Sino ang mas clingy sa kanila ni Maine?

“Ako, ha, ha, ha. Of course both ways naman pero feeling ko ako, totoo naman!”

May mga araw na hindi nagkikita sina Arjo at Maine kapag pareho silang may trabaho, pero never na hindi sila nagtawagan o video call sa isang araw at kapag natapos ng maaga ang shooting/ tapings, ay nagdi-dinner ang dalawa.

Tinanong namin kung ano ang paborito nilang kanta ni Maine na madalas nilang kantahin. Hindi naming binanggit na theme song kasi tiyak na hindi kami sasagutin ng aktor.

“Pag nagja-jamming kami, I’ll Never Love Again ba ‘yun (sabay tingin sa cellphone) ni Lady Gaga from Star Is Born (movie),” saad ng aktor.

Hirit namin, ‘so you’re never love again (after Maine)’ at napangiti lang si Arjo.

Ang term of endearment nila ni Maine ay, “ha, ha, ha, meron po, basta po. Alam naman na rin yata ng mga tao, Babs.” Bakit ‘Babs’, “it’s a long story po.”

Hayan, maliwanag pa sa sikat ng araw na pormal ng magkarelasyon sina Arjo at Maine.

Samantala, natanong na rin namin sa aktor kung may plano siyang dumalo noon sa premiere night ng Isa Pa with Feelings nina Maine at Carlo Aquino. Ito kasi ang balita.

“Ay hindi po!” mabilis nitong tugon. “Spotlight po nila ni Carlo ‘yun. Saka hindi naman ako baguhan sa industriya kahit naman hindi ako laking rom-com, I’ve been solo for 8 years I know how it works at hindi naman ako tanga para makita sa premiere night ng iba. That’s her night, I won’t take that away. I won’t do that.”

-Reggee Bonoan