CABUYAO CITY, Laguna– Isang 23-anyos na dalaga ang nagdaos ng kanyang kaarawan ang nasawi, pati na rin ang kaibigan nitong lalaki nang tambangan ng tatlong hindi pa nakikilalang lalaki sa Kalye 105, Barangay Pittland, ng nasabinng lungsod, nitong Huwebes ng madaling araw dito.

Naunang nasawi sa lugar ng krimen si Carla Camille Perez, isang production operator ng electronics company at taga-Calamba City, at Kim Earvin Mabuyo, 20, binata, at kasamahan ng una sa trabaho. Namatay sa habang nilalapatan ng lunas sa Global Medical Center sa Canlubang, Calamba ilang oras pagkaraan ng insidente.

Sa ulat, ang mga biktima ay sakay sa motorsiklo na minamaneho ni Mabuyo at naka-angas ang dalaga ng galing sa Tagaytay City matapos ipagdiwang ang kaarawan at pauwi na sila, dakong 12:45 ng madaling araw.

Pagsapit sa nasabing madalim na lugar, biglang sumulpot ang tatlong suspek at binaril ang dalawa.

Eleksyon

Vic Rodriguez, pamumunuan ang 'tunay na oposisyon' sa senado

Tinangay ng mga suspek ang pera, personal na kagamitan, celluar phones at automated teller machine cards ng mga biktima, pati na rin ang motorsiklo na ginamit ng una sa kanilang pagtakas.

Sinisiyasat pa ng imbestigador ang kaso tungo sa pagkakakilanlan ng mga suspek.

-Danny Estacio