PATOK much sa netizens ang chemistry ng Arra-Juancho tandem sa seryeng Madrasta, sa true lang.

Arra at Juancho

Winner sa mga netizens ang nag-uumapaw na on-screen chemistry ng charming Kapuso actress na si Arra San Agustin at hunk Kapuso actor na si Juancho Trivino sa kanilang pinagbibidahang GMA Afternoon Prime series na Madrasta.

Hindi maikakaila ang nakakakilig na tambalan nina Audrey (Arra) at Sean (Juancho) bilang mag-amo sa naturang palabas.

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay

Nakakatuwang komento pa ng netizen na si Leynn Manuel, “Sina Audrey at Doc Sean na lang talaga ang nagpapakilig sa akin ngayon.”

Dagdag pa ni Chester Despuig, “Hala ang lakas ng chemistry nila para sa akin, kinikilig ako ng sobra.”

Sundan kung saan nga ba patungo ang umuusbong na relationship nina Audrey at Sean at kung magtatagumpay nga ba si Katharine (Thea Tolentino) na sirain ang buhay ng dalawa sa Madrasta tuwing hapon pagkatapos ng Prima Donnas sa GMA-7.

-MERCY LEJARDE